Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Panatilihing Malinaw ang Iyong Paningin sa pamamagitan ng VSP

Habang tumatanda ka, posibleng tumaas ang panganib sa ilang isyu sa kalusugan sa mata. Sama-sama naming matitiyak na makukuha mo ang pangangalagang kailangan mo para panatilihing malinaw ang iyong paningin. Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa VSP Vision Care (VSP) para maialok ang iyong mga benepisyo sa pangangalaga sa paningin, mula sa mga frame at lens hanggang sa advanced na pagsusuri sa kalusugan ng mata at higit pa.

Ang Iyong Mga Benepisyo sa Pangangalaga sa Paningin sa VSP

Sa VSP, makukuha mo ang mga sumusunod na taunang benepisyo sa pangangala sa paningin:

  • $0 na regular na pagsusuri sa paningin
  • Hanggang $300 para sa salamin (mga frame at lens) o contacts sa halip na salamin
  • Mga pagsusuri sa glaucoma para sa mga miyembrong may malaking panganib ng glaucoma
  • Mga screening sa diabetic retinopathy para sa mga miyembrong may diabetes
Sinasaklaw rin ng SFHP Care Plus ang:

  • Mga serbisyo ng doktor para sa outpatient para sa pagbibigay ng diyagnosis at paggamot ng mga sakit at pinsala sa mata
  • Isang pares ng salamin o contact lens pagkatapos ng bawat operasyon sa katarata

Paghahanap ng Provider ng Pangangalaga sa Paningin

Para makahanap ng provider, bumisita sa vsp.com/advantageretail, o tumawag sa 1(855) 492-9028 at humingi ng tulong sa paghahanap ng doktor sa “Advantage” Network. Ikokonekta ka ng VSP sa isang provider sa network.

Depende sa iyong mga pangangailangan sa pangangalaga sa paningin, maaaring kailanganin mong magpatingin sa isang optometrist o ophthalmologist.

Ang mga optometrist (mga OD) ay hindi mga doktor ng medisina. Matutulungan ka nila sa:

  • Mga salamin o contact lens
  • Mga pangunahing pagsusuri para sa kalusugan at regular na ginagawa ng mata

Para makapaghanap ng optometrist, tumawag sa VSP o bumisita sa vsp.com/advantageretail.

Ang mga ophthalmologist ay mga doktor ng medisina na doktor na nakakapagsagawa ng operasyon sa mata. Matutulungan ka nila sa:

  • Operasyon at mga procedure sa mata
  • Mga isyu sa balat na malapit sa iyong mga mata, tulad ng mga nunal o skin tag)
  • Paggamot para sa mga kumplikadong kundisyon sa mata, tulad ng mga katarata

Makipag-usap sa iyong PCP para malaman kung kailangan mong magpatingin sa isang ophthalmologist para sa kalusugan ng mata mo.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.