Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Mamili at Makatipid gamit ang Iyong SFHP Care Plus OTC Card

Paano Gamitin ang Iyong Over-the-Counter (OTC) na Benepisyo

Sa SFHP Care Plus, awtomatiko kang malalagyan ng $150 sa iyong SFHP Care Plus OTC Card sa bawat quarter (3 buwan) kung saan isa kang miyembro. Halimbawa, kung kwalipikado ka sa anumang oras sa pagitan ng Enero hanggang Marso, makakakuha ka ng $150 para sa tatlong buwang iyon. Simula ika-1 ng Abril, popondohan ang card mo ng bagong $150 na allowance para sa Abril hanggang Hunyo.

Nakikipagtulungan kami sa &more para maialok ang OTC na benepisyong ito. Para malaman kung paano gumagana ang card, ano ang mga produktong sinasaklaw, at saan ka makakapamili, bumisita sa andmorehealth.com o tumawag sa 1(855) 263-6673 (TTY 711).

Magagamit mo ang iyong SFHP Care Plus OTC Card para:

  • Bumili ng mga aprubadong OTC na item tulad ng mga hindi inireresetang gamot, benda, at panggamot sa trangkaso
  • Bumili nang personal o online sa mga convenient store tulad ng Costco, CVS, Walgreens at higit pa

Kapag na-activate mo na ang iyong card, handa ka nang mamili! Sa bawat quarter, sasaklawin ang mga pagbili mo hanggang sa maubos mo ang buong $150 na OTC na pondo. Hindi nagro-rollover ang iyong mga OTC na pondo, kaya tiyaking gamitin ang mga ito bago mag-expire.

Tingnan ang iyong &more OTC catalog dito


Madaling Paraan Para Mamili

  1. Sa tindahan: Maghanap ng tindahang malapit sa iyo sa pamamagitan ng pagbisita sa andmorehealth.como paggamit ng store finder sa mobile app ng andmore. Para ma-download ang mobile app, hanapin ang “andmore” sa App Store o Google Play. Para makapag-check out kapag nasa store ka na, i-swipe lang ang iyong SFHP Care Plus OTC Card.
    Tingnan kung sinasaklaw ang item na gusto mo gamit ang scanner ng app o item. Para makapag-checkout, i-swipe lang ang iyong SFHP Care Plus OTC Card. Kung mas malaki ang halaga ng mga item mo kaysa sa iyong available na balanse sa card, maaari kang gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad para mabayaran ang sobrang halaga.
  2. Online: Bumisita sa andmorehealth.com para mamili mula saanman, o gamitin ang mobile app. Magdagdag lang ng mga item nang direkta mula sa iyong catalog, mag-check out, at maipa-deliver ang mga ito sa iyong tirahan.
  3. Sa pamamagitan ng telepono: Tumawag nang direkta sa &more sa 1(855) 263-6673 o 711 (TTY). Tutulungan ka nilang makuha ang kailangan mo at ipapadala ito nang direkta sa iyong tirahan.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.