Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras.
Makakatulong ang SFHP
Narito ang SFHP para tulungan ka at ang iyong pamilya na mapanatili ang inyong saklaw ng Medi-Cal , para patuloy kayong makatanggap ng pangangalagang kailangan ninyo para manatiling malusog. Napakahalaga ng pag-renew ng iyong Medi-Cal para hindi ka mawalan ng access sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Paano Tingnan ang Iyong Petsa ng Pag-renew sa Medi-Cal
Maaari mong tingnan online sa BenefitsCal.com—tingnan ang Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQ) sa amin para malaman kung paano.
Maaari ka ring tumawag sa SFHP sa 1(800) 288-5555, o tumawag sa Tanggapan ng Medi-Cal sa San Francisco sa 1(855) 355-5757 para tingnan ang iyong petsa ng pag-renew.
Bantayan ang iyong mailbox para sa iyong package sa pag-renew. Huwag itong palampasin! Isasaad sa iyong package kung paano magsumite ng impormasyon sa pagpapanatili ng iyong saklaw. Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang mga tanong, kami ang bahala sa iyo.
Matutulungan Ka ng SFHP na Mag-renew
Maaari kang mag-renew sa pamamagitan ng koreo, o sa pamamagitan ng isa sa tatlong madaling paraan sa ibaba:
1. Pumunta sa BenefitsCal.com
Ang pagbisita sa BenefitsCal.com ang pinakamainam na paraan upang tingnan ang iyong petsa ng pag-renew, i-update ang iyong impormasyon, at i-renew ang iyong saklaw. Kung wala ka pang account, mabilis at madaling gumawa nito.
Hindi Alam Kung Paano Gumagawa ng Account?
- Panoorin ang video na ito para malaman kung paano gumawa ng account: Tingnan »
- O tingnan ang aming FAQ para sa step-by-step na gabay kung paano gumawa ng iyong account. Tingnan »
Paano Tingnan ang Iyong Petsa ng Pag-renew sa Medi-Cal
- Para sa mga tip kung paano tingnan ang iyong petsa ng pag-renew sa BenefitsCal.com, bisitahin ang FAQ.
2. Bisitahin ang Sentro ng Serbisyo ng SFHP
Matutulungan ka ng team ng Sentro ng Serbisyo ng SFHP sa personal o sa pamamagitan ng telepono. Mag-iskedyul ng pagbisita sa sfhp.org/service-center.
3. Tumawag at Makakuha ng Suporta sa Pag-renew
- Direktang tawagan ang Tanggapan ng Medi-Cal sa San Francisco para i-renew ang iyong saklaw sa 1(855) 355-5757 (toll-free).
- Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, makakatulong ang Serbisyo sa Customer ng SFHP . Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa
1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm. - Hindi sigurado kung kailan mo kailangang i-renew ang iyong coverage? Pareho kang matutulungan ng SFHP at ng Tanggapan ng Medi-Cal sa San Francisco na tingnan ang iyong petsa ng pag-renew sa Medi-Cal.