Mahalagang Update: Nais ng SFHP na ipaalam sa mga miyembro ang tungkol sa pederal na pagbabahagi ng data na kinasasangkutan ng impormasyon ng miyembro ng Medi-Cal sa California. Matuto Pa..

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Serbisyo sa Parmasya at Maghanap ng Parmasya

Bilang isang miyembro ng Healthy Workers HMO , bahagi ng iyong mga benepisyo sa planong pangkalusugan ang mga inireresetang gamot. Kapag kailangan mo ng gamot, irereseta ito ng iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga.

Ano ang pormularyo ng gamot?

SFHP ay may pormularyo ng gamot. Ang pormularyo ng gamot ay ang listahan ng mga gamot na babayaran ng SFHP . Kahit na nakalista ang isang gamot sa pormularyo ng gamot ng SFHP , maaaring piliin ng iyong doktor na huwag ireseta ito para sa iyong partikular na kundisyon. May kasama ring mga Pinili at hindi Piniling gamot sa pormularyo. Ang co-payment para sa mga piniling gamot ay $5 (mga generic) at ang co-payment para sa mga hindi Piniling gamot ay $10 (mga brand).

Sumangguni sa iyong Ebidensya ng Saklaw sa Healthy Workers HMO at/o Buod ng Mga Benepisyo at Saklaw para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga benepisyo sa inireresetang gamot. Kung gusto mong makita kung saklaw ang iyong inireresetang gamot, sumangguni sa Pormularyo ng Gamot ng San Francisco Health Plan. Posted 07/07/2025

HW Vaccine Drug List » – Posted 07/07/2025
Preventive Drug List (ACA) » – Posted 07/07/2025
Physician Administered Drugs Covered Under Healthy Workers HMO Outpatient Pharmacy Benefit (PAD) » – Posted 07/07/2025

Step Therapy Edits
San Francisco Health Plan has Step Therapy (ST) medications listed on formulary. These drugs will process at the point of sale at the pharmacy, if the required medications have been tried and failed with paid claims. If paid claims do not exist, a prior authorization request must be submitted for consideration of coverage.
Step Therapy » – Posted 07/07/2025

Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.

Humanap ng Parmasya

Maghanap ng mga Parmasya sa San Francisco Maghanap sa Lahat ng Parmasya

Gamit ang tool na ito na Locator ng Parmasya, mapipili mo ang gustong parmasya sa mahigit 400 Parmasya sa San Francisco at sa ating limang kalapit na county (Marin, Contra Costa, Alameda, Santa Clara, at San Mateo).

Tiyaking sasabihin sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan na may pinipili kang parmasya upang maipadala ang iyong mga reseta sa tamang lokasyon ng parmasya. Para makuha ang iyong mga gamot, ipakita ang iyong Member ID Card ng San Francisco Health Plan Healthy Workers HMO sa tauhan ng parmasya sa pinili mong parmasya. Kung gusto mong baguhin ang iyong parmasya, dapat ilipat ang iyong mga reseta sa bagong parmasyang napili mo. Makipag-ugnayan sa tauhan ng parmasya sa bagong lokasyon ng parmasya para sa tulong.

Mail Order na Parmasya

San Francisco Health Plan Healthy Workers HMO ay nagdagdag ng mail order na parmasya, Prime Therapeutics Pharmacy, sa benepisyo sa parmasya para magbigay sa aming mga miyembro ng higit pang opsyon para makuha ang kanilang mga gamot.

Paano gamitin ang mail order na opsyon para sa iyong mga gamot

Kung mayroon kang aktibong reseta na may mga natitirang refill:

  • Tumawag sa 1(800) 424-8274 (TTY 711) Lunes – Biyernes, 5am – 4pm Pacific Time (PT) nang may reseta mo at dating impormasyon mo ng parmasya. Hihilingin ng Prime Therapeutics Pharmacy ang isang paglilipat para sa iyo.

Kung kailangan mo ng bagong reseta:

  • Hilingin sa iyong tagapagreseta na ipadala ang reseta mo sa Prime Therapeutics Pharmacy. Maipapadala ng mga tagapagreseta ang mga bagong reseta sa pamamagitan ng isa sa tatlong paraan:

    • Mag-ePrescribe sa Prime Therapeutics Pharmacy LLC (Home Delivery, Salt Lake City), NPI 1609221647
    • Ipadala sa pamamagitan ng fax ang reseta sa 1(888) 282-1349
    • Itawag ang reseta sa 1(800) 424-8274

Puwedeng tumawag ang mga miyembro 1(800) 424-8274 para makipag-usap sa coordinator ng pangangalaga sa pasyente tungkol sa kanilang mga reseta.

Prime Therapeutics Pharmacy

Oras ng negosyo:

Lunes – Biyernes mula 5am – 4pm, Pacific Time (PT)

Mga oras pagkatapos ng trabaho (para sa agaran at pang-emerhensiyang kahilingan lang):

Lunes – Biyernes mula 5pm – 5am, Pacific Time (PT)
Sabado – Linggo buong araw

Healthy Workers HMO Mga Form ng Reimbursement sa Inireresetang Gamot

Ano ang Direct Member Reimbursement?

Kung ikaw ay isang kwalipikadong miyembro ng Healthy Workers HMO at nagbabayad ka ng reseta na sakop ng plano mo, pwede mong hingin ang pera na ito pabalik. Upang gawin ito, maaari mong punan ang isang form ng claims at ibigay sa amin ang mga resibo mo ng pagbabayad. Tinatawag ang prosesong ito na Direct Member Reimbursement (DMR).

Kailan ko gagamitin ang DMR?

Maaari mong makuha ang pera na ibinayad mo para sa isang sakop na reseta kapag:

  • Isa kang aktibong miyembro ng Healthy Workers HMO , ngunit hindi mo ibinigay sa parmasya ang iyong card ng pagkakakilanlan ng miyembro (ID).
  • Pumunta ka sa parmasyang wala sa network ng Healthy Workers HMO.
  • Kakailanganin mo pa ring magbayad ng isang copay para sa karamihan ng mga gamot.

Kakailanganin mo pa ring magbayad ng isang copay para sa karamihan ng mga gamot.

Paano ako magsusumite ng claim para sa DMR?
  1. Kumpletuhin ang form ng DMR at ipadala ito pabalik sa amin kasama ang iyong mga resibo sa pagbabayad.
  2. Ipadala sa pamamagitan ng koreo ang DMR form at ang iyong mga resibo sa pagbabayad sa amin. Ipadala sa pamamagitan ng koreo sa:
    Prime Therapeutics
    Attn: Claims Department
    P.O. Box 1599
    Maryland Heights, MO 63043
  3. Ipadala sa pamamagitan ng fax ang DMR form sa 1(800) 424-7578

Kailangan ng tulong? Tawagan ang SFHP sa 1(415) 547-7800 o 711 (TTY).

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.