Mahal naming Miyembro ng SFHP: Hindi naabot ng Kongreso ang isang kasunduan sa pagpopondo para sa Fiscal Year 2026, at ang pederal na pamahalaan ay isinara noong Oktubre 1. Bagama’t hindi natin alam kung gaano katagal ang pagsasara, magpapatuloy ang SFHP sa mga operasyon nito bilang normal. Maa-access mo pa rin ang pangangalaga na kailangan mo. Nagsusumikap kaming matiyak na hindi magambala ang iyong access sa pangangalaga. Kung makaranas ka ng anumang isyu, makipag-ugnayan sa Customer Service ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o nang toll-free sa 1(800) 288-5555 (puwedeng i-dial ng user ng TTY ang 711). Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00am hanggang 5:00pm.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Suportahan ang Kalusugan ng Iyong Anak sa SFHP

Narito ang SFHP para tulungan ang iyong anak na manatiling malusog at maginhawa ang pakiramdam nila. Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa mga regular na check-up o lokal na suporta para sa iyong anak, kami ang bahala sa iyo.

3 Mga Paraan Para Matulungang Lumusog ang Iyong Anak

Makakatulong ka sa paghanda ng iyong anak para sa malusog na kinabukasan. Tiyaking nakukuha nila ang pangangalagang kailangan nila nang maaga sa buhay sa pamamagitan ng:

Mga pagpapatingin ng batang walang sakit

Sa panahon ng pagpapatingin ng batang walang sakit, susuriin ng provider ng pangunahing pangangalaga (PCP)* ng iyong anak ang paglaki, pag-unlad, at sasagutin ng iyong mga tanong. Bibigyan din nila ang iyong anak ng anumang mga bakuna (mga turok) o pagsusuri na kailangan nila.

Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics na:

Ang mga sanggol ay dapat magkaroon ng 6 na pagpapatingin ng batang walang sakit bago sila maging 15 buwang gulang.

Ang mga toddler ay dapat magkaroon ng 2 pagpapatingin ng batang walang sakit sa pagitan ng 16 at 30 buwan.

Ang mgabata, tinedyer, at kabataang may edad na hanggang 21 ay sasailalim sa mga taunang panahon ng pagpapatingin ng batang walang sakit.

*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.

Mga pagsusuri sa pag-unlad

Inirerekomenda ang mga pagsusuri sa pag-unlad sa 9, 18, at 30 buwan. Tinitingnan sa mga pagsusuring ito kung naabot ng iyong anak ang mga milestone (tulad ng pagngiti, pamamaalam sa pamamagitan ng kamay, at pagtawa) sa tamang edad. Makakatulong ang pagkuha ng mga pagsusuring ito na maagang malaman kung ang iyong anak ay nangangailangan ng higit pang suporta.

Barniz de flúor

Protektahan ang mga ngipin at gilagid ng iyong anak sa pamamagitan ng pagtiyak na nakakakuha sila ng fluoride na paggamot tuwing 3 hanggang 6 na buwan sa kanilang pangunahing pangangalaga o opisina para sa ngipin. Ang fluoride varnish ay ligtas at mabilis na paraan upang makatulong na maiwasan ang mga cavity.

Mga Resource para sa Mga Bata at Kabataan na may Espesyal na Pangangailangan sa Pangangalaga sa Kalusugan

Maaaring nakakapanlumo ang paghahanap ng tamang suporta upang matulungan ang iyong anak na lumaki at umunlad. Magsimula sa mga resoure na ito:

Support for Families »
Ang Support for Families ay isang organisasyong pinamumunuan ng magulang na tumutulong sa ibang mga magulang ng mga batang may kapansanan. Narito sila upang tulungan kang harapin ang paglalakbay at ikonekta ka sa mga serbisyo, resource na pang-edukasyon, mga workshop at pagsasanay, mga grupo ng suporta, at higit pa.

Mapa sa Early Start na mga Serbiyo »
Sa unang 36 buwan (3 taon) sa buhay ng iyong anak, maraming palatandaan ng pag-unlad na dapat bantayan. Kung hindi pa natutugunan ng iyong anak ang mga milestone at hindi pa siya 3 taong gulang, maaaring makakuha siya ng LIBRENG suporta sa pamamagitan ng Early Start. Tingnan ang mapa upang malaman kung paano makakakuha ng serbisyo mula sa Early Start.

Listahan ng Resource para sa Mga Kumplikadong Medikal na Pangangailangan »
Maaaring maging mahirap ang pag-aalaga sa bata na may mga kumplikadong medikal na pangangailangan. Para sa listahan ng mga unang tawag na gagawin at mga serbisyo ng suporta sa San Francisco, tingnan ang listahan ng resource na ito.

Tool ng Pagpaplano sa Paglipat sa Mga Serbisyong Pang-Adulto »
Kumuha ng mga tip at paalala sa nakakatulong na checklist na ito habang pinaplano mo ang paglipat ng iyong anak sa mga serbisyong pang-adulto.

Humingi ng Tulong sa Bawat Hakbang: Pamamahala sa Pangangalaga ng mga Bata

Ang pag-navigate sa pangangalagang pangkalusugan para sa isang bata na may kumplikadong mga pangangailangan sa kalusugan ay hindi madali – ngunit narito kami para sa iyo sa bawat hakbang. Nakikipagtulungan ang aming team ng Pamamahala sa Pangangalaga sa iyo, sa iyong anak, at sa mga doktor ng iyong anak upang gumawa ng naka-personalize na plano sa pangangalaga na umaangkop sa mga pangangailangan ng iyong anak. Matutunan kung paano i-access ang mga serbisyo sa pamamahala ng pangangalaga nang walang bayad para sa iyong anak.

Hindi ka pa Miyembro?

Alamin kung paano ka matutulungan ng SFHP at ang iyong anak na makuha ang pangangalaga na kailangan mo sa sfhp.org/qualify.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.