Maaaring magdulot ng pananakit at mga impeksyon sa iyong anak ang mga cavity. Maaaring magdulot ang mga cavity ng mga problema sa pagkain, pagsasalita, paglalaro, at pagkatuto. Isang madaling paraan ang fluoride varnish na maging proteksyon laban sa mga cavity.

Ano ang Fluoride Varnish?

  • Ipinapahid ng dentista o provider ng pangunahing pangangalaga (PCP)* ang isang protective coating sa mga ngipin para maiwasan ang pagkabulok ng ngipin.
  • Ligtas, mabilis, at hindi masakit.
  • Nakakatulong kahit na gumagamit ka ng mga fluoride drop, tablet, rinse, toothpaste, o umiinom ka ng tubig na may fluoride.
  • Mas mabisa kung matatanggap mo ito nang dalawang beses o higit pa bawat taon.
  • Maaaring magkaroon ng paninilaw ang mga ngipin sa maikling panahon. Kapag nagsipilyo kinabukasan, babalik sa normal na kulay ang mga ngipin.

Makipag-usap sa iyong dentista o PCP tungkol sa fluoride varnish paglabas ng unang ngipin ng iyong anak. Lahat ng batang may edad na 12 buwan (1 taon) hanggang 47 buwan (3 taon at 11 buwan) ay maaaring makakuha ng fluoride varnish sa kanilang dentista o PCP.

Kumuha ng Fluoride Varnish at Makakuha ng $50 na Gift Card

Maaari kang makakuha ng dalawang $50 na gift card para sa pagdala ng anak mo sa kanilang una at pangalawang fluoride visit. Sa kabuuan, maaari kang kumita ng $100 pagkalipas ng dalawang pagbisita! Dapat ay nasa edad na 12 buwan (1 taon) hanggang 47 buwan (3 taon at 11 buwan) ang iyong ana.

Pagkatapos ng bawat pagpapatingin, awtomatiko kang makakatanggap ng gift card sa pamamagitan ng koreo mula sa SFHP. Ipapadala sa iyo ang gift card sa pamamagitan ng koreo pagkalipas ng 8 linggo matapos ang bawat pagpapatingin.

Humanap ng Dentista

Para sa mga miyembro ng Medi-Cal, maaari kang tumawag sa Medi-Cal Dental sa 1(800) 322-6384 upang makahanap ng dentista o bisitahin ang Smile, California. . Ang mga miyembro ng Healthy Workers HMO ay pwedeng tumawag sa Liberty Dental sa 1(888) 703-6999.

Tiyaking bahagi ng iyong network ang iyong dentista! Kung ang dentista ay hindi bahagi ng iyong network, sisingilin ka para sa iyong mga pagpapatingin at hindi ka magiging kwalipikado para sa mga gantimpala sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Mga Gantimpala sa kalusugan ng SFHP dito.
*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.