Ang influenza (trangkaso), COVID-19, at RSV ay mga virus na nakakaapekto sa iyong mga baga at daluyan ng hangin, kaya nahihirapang huminga. Kung minsan, puwede itong magdulot ng malalang sakit at puwede pang humantong sa pagkamatay. Gamit ang SFHP, puwede kang makakuha ng mga bakuna (mga iniksyon) na pinoprotektahan ka para hindi ka magkaroon ng malubhang sakit mula sa trangkaso, COVID-19, o RSV.
Kahit na makakuha ka ng virus, malamang na mas kaunti pa rin ang iyong mga sintomas kaysa sa kung hindi mo nakuha ang mga iniksyon mo. Hindi ka magkakaroon ng trangkaso, COVID-19, o RSV mula sa isang iniksyon..
Sino ang dapat na makakuha ng mga bakuna?
Tingnan ang talahanayan sa ibaba para sa mga rekomendasyon mula sa California Department of Public Health (CDPH)1. Libre ang mga iniksyong ito kung isa kang miyembro ng SFHP..
Mga Inirerekomendang Pagbabakuna ayon sa Edad o Kundisyon
| Edad/Kundisyon | COVID-19 | Influenza | RSV (Respiratory Syncytial Virus) |
|---|---|---|---|
| Mga bata | - Lahat ng 6-23 buwang gulang - Lahat ng 2-18 taong gulang na may mga salik ng panganib o hindi kailanman nakapagpabakuna laban sa COVID-19 - Lahat ng may close contact sa iba na may mga salik ng panganib1 - Lahat ng pumili ng proteksyon1 |
- Lahat ng 6 na buwang taong gulang pataas | - Lahat ng wala pang 8 buwang taong gulang2 - Lahat ng 8–19 na taong gulang na may mga salik ng panganib |
| Pagbubuntis | - Lahat ng nagpaplanong magbuntis, buntis, postpartum o nagpapasuso | - Lahat ng nagpaplanong magbuntis, buntis, postpartum o nagpapasuso | - 32–36 na linggong edad ng gestation2 |
| Mga nasa hustong gulang |
- Lahat ng 65 taong gulang pataas - Lahat ng wala pang 65 taong gulang na may mga salik ng panganib - Lahat ng may close contact sa iba na may mga salik ng panganib - Lahat ng pumili ng proteksyon |
- Lahat | - Lahat ng 75 taong gulang pataas - Lahat ng 50-74 na taong gulang na may mga salik ng panganib |
1 The California Department of Public Health (CDHP) recommends vaccines based on evidence from trusted national medical organizations, like the 2025073924/203222/Recommendations-for-COVID-19-Vaccines-in-Infants?autologincheck=redirected" target="_blank">American Academy of Pediatrics (AAP), American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), at American Academy of Family Physicians (AAFP).
1 Available ang bakuna laban sa COVID-19 para sa mga taong 6 na buwang gulang pataas..
2 Protektahan ang mga sangol gamit ang alinman sa prenatal na bakuna laban sa RSV o dosis ng nirsevimab o clesrovimab na para sa sanggol
Subukang makuha ang iyong mga iniksyon sa lalong madaling panahon.
Tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP)* ngayong araw para magpa-appointment!!
*Ang iyong PCP ay ang personal mong doktor kung kailangan mo ng check-up, gusto mo ng payo tungkol sa problema sa kalusugan, o kung magkasakit o masaktan ka.
