Makakakuha ang lahat ng taong mahigit 6 na buwang gulang ng updated na bakuna laban sa COVID-19

Makukuha na ninyo ng iyong pamilya ang updated na bakuna laban sa COVID-19 sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP)! Mas mahusay na makapagpoprotekta ang bakunang ito laban sa mga strain ng virus na nagsasanhi ng pagkakasakit ng mga tao ngayong taglamig. Pinapababa rin ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang posibilidad mo na magkaroon ng Long COVID (mga mas nagtatagal na sintomas).

Simula Setyembre 12, 2023, inirerekomenda ng Centers for Disease Control (CDC) na:

  • Tumanggap ng 1 dosis ng updated na bakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng may edad na 5 taon pataas.
  • Puwedeng tumanggap ng 1+ dosis ng updated na bakuna laban sa COVID-19 ang mga taong may mahinang immune system.
  • Maaaring bakunahan ang mga batang 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang. Mangyaring kausapin ang iyong PCP tungkol sa kung ilang dosis ang maaaring kailangan ng iyong anak.

Mangyaring kausapin ang iyong PCP kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19. Kung nagkaroon ka ng COVID-19 kamakailan, maghintay nang 3 buwan bago ka magpabakuna.

  • Magbilang ng 3 buwan mula nang nagsimula ang mga sintomas.
  • Kung wala kang sintomas, magbilang mula noong una kang nagpositibo sa test.

Bisitahin ang CDC para matuto pa tungkol sa Updated na Bakuna Laban sa COVID-19 para sa 2023-2024.

Maaari ka ring matuto pa mula sa California Department of Public Health (CDPH).

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner mo.