Ang iyong gabay sa pagpapanatiling malusog ng iyong pamilya

Ano ang Mga Bakuna?

Ang mga bakuna (tinatawag ding “mga iniksyon” o “turok”) ay mga espesyal na gamot na tumutulong sa ating katawan na malabanan ang mga sakit. Masusing pinag-aralan ng World Health Organization (WHO) ang mga bakuna, at sinasabi nitong ang mga bakuna ang pinakamahalagang bagay na magagawa natin para mapanatiling malusog ang ating mga anak at matulungan silang lumaking malusog. Ayon sa WHO, 154 na milyong buhay na ang nailigtas ng mga bakuna sa nakalipas na 50 taon!

Maaaring tila maraming natatanggap na turok ang iyong anak, pero napakahalaga para sa kanilang kalusugan ang pagtitiyak na matanggap nila ang mga ito sa tamang oras.

Nasa ibaba ang isang maikling gabay sa ilang inirerekomendang bakuna para sa mga bata.

  • COVID-19: Nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
  • Diphtheria, Tetanus, and Pertussis (DTaP): Nagbibigay ng proteksyon laban sa diphtheria (baradong paghinga), tetanus (tinatawag ding “lockjaw”), at tusperina.
  • Haemophilus Influenzae Type b (Hib): Nagbibigay ng proteksyon laban sa isang bacteria na nagdudulot ng mga impeksyong humahantong sa pinsala sa utak, kahirapan sa paghinga, at iba pang malulubhang sintomas.
  • Hepatitis A (HepA) at Hepatitis B: Nagbibigay ng proteksyon laban sa mga virus na pumipinsala sa atay. Kadalasang ibinibigay ang bakuna laban sa Hepatitis B (HepB) sa mga bagong silang sa ospital.
  • Pneumococcal (PCV15): Nagbibigay ng proteksyon laban sa pulmonya (impeksyon sa baga) at iba pang sakit na dulot ng bacteria na tinatawag na pneumococcus.
  • Polio (IPV): Nagbibigay ng proteksyon laban sa polio, isang sakit na maaaring magdulot ng pagkaparalisa (hindi makagalaw).
  • Rotavirus (RV): Nagbibigay ng proteksyon laban sa isang virus na nagdudulot ng pagtatae na maaaring maging napakalubha sa mga sanggol.
  • Influenza (Trangkaso): Ibinibigay bawat taon para magbigay ng proteksyon laban sa trangkaso.
  • Tigdas, Beke, at Rubella (Measles, Mumps, at Rubella, MMR): Nagbibigay ng proteksyon laban sa tigdas, beke, at rubella. Dumarami ang mga kaso ng tigdas sa U.S. kamakailan dahil mas kaunting bata ang nababakunahan.
  • Varicella (Bulutong): Nagbibigay ng proteksyon laban sa bulutong.

Mahalagang makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) tungkol sa kung aling mga bakuna ang kailangan ng mga bata. Matutulungan nila ang iyong pamilya na manatiling updated sa mga turok.

Makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa mga inirerekomendang bakuna sa California Department of Public Health.

Makakahanap ka ng inirerekomendang iskedyul ng bakuna ayon sa edad mula sa American Academy of Pediatrics.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.