
Halos kalahati ng lahat ng nasa hustong gulang sa U.S. ay may mataas na presyon ng dugo (na tinatawag ding hypertension), pero 1 lang sa 4 na nasa hustong gulang na may mataas na presyon ng dugo ang nakakakontrol nito.
Subukan ang mga paraang ito para makapagpanatili ng malusog na presyon ng dugo:

Kumain ng mga sariwang prutas at gulay
Kumain ng 1½ hanggang 2 tasa ng mga prutas at 2 hanggang 3 tasa ng gulay kada araw.

Bantayang mabuti ang asin
Subukang gumamit lang ng hindi lalampas sa 1,500mg o 2/3 na kutsarita ng asin kada araw kung mayroon kang mataas na presyon ng dugo.

Limitahan ang pagkonsumo ng alak
Para sa mga kababaihan, uminom lang ng 1 bote ng alak o mas kaunti pa kada araw. Para sa mga kalalakihan, uminom lang ng 2 bote ng alak o mas kaunti kada araw.

Maging aktibo
Igalaw-galaw ang iyong katawan nang 150 minuto kada linggo sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na nae-enjoy mo. Sumubok ng masayang aktibidad tulad ng pagsayaw, paglangoy, pakikipaglaro sa iyong mga anak, paglalakad, o pagsali sa isang klase.

Kung naninigarilyo ka, magsagawa ng mga hakbang para maihinto ito
Puwede kang makakuha ng gamot para makatulong sa paghinto sa pagtatabako nang walang bayad sa pamamagitan ng Medi-Cal. Makipag-usap sa iyong PCP, tumawag sa Kick It California sa 1(800) 300-8086, o bisitahin ang kickitca.org.
Itanong sa iyong PCP kung ano ang layunin mo sa presyon ng dugo. Humanap ng higit pang paraan para makontrol ang mataas na presyon ng dugo sa sfhp.org/wellness.
*Ang Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.