Ang bagong taon ay isang bagong panimula—para sa iyong katawan, pag-iisip, at espiritu. Ngayong Enero, ipagdiwang ang Buwan ng Kalusugan ng Pag-iisip sa pamamagitan ng paggawa ng maliliit na pagbabago na makakatulong sa iyo na maramdaman ang iyong pinakamahusay na kalagayan.
Narito ang 5 paraan upang pangunahan ang iyong kalusugan ng isip:
- Kumilos: Sa karamihan ng araw, sikaping magkaroon ng 30 minuto ng aktibidad tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, o pagsayaw. Pinapababa ng ehersisyo ang stress at pinapaganda ang mood. Maghanap ng aktibidad na iyong kinagigiliwan o kaibigan na sasamahan ka.
- Tumawag araw-araw: Tumawag sa isang kaibigan, sumalo sa pagkain, o sumali sa isang grupo. Ang matibay na ugnayang panlipunan ay nagpapangalaga sa iyong kalusugan ng pag-iisip.
- Matulog nang maayos: Matulog at gumising sa parehong oras bawat araw. Nangangailangan ang mga nasa hustong gulang ng 7 hanggang 9 oras ng pagtulog.
- Sanayin ang pagiging kalmado: Subukan ang 5 minuto ng malalim na paghinga, pagsusulat sa journal, o pagmumuni-muni upang mabawasan ang stress. Maraming libreng video sa YouTube na makakatulong sa iyo.
- Makakuha ng pangangalaga nang walang gastos: Makipag-usap sa isang counselor o doktor kung ang stress o pagkabalisa ay labis na nakakabahala. Makakuha ng pangangalaga sa bahay sa pamamagitan ng Teladoc. Bisitahin ang teladoc.com/sfhp o tumawag sa
1(800) 835-2362.
Tandaan: hindi ka nag iisa. Maaari kang makipag-usap sa isang eksperto sa kalusugan ng pag-iisip sa pamamagitan ng pagtawag sa Carelon Behavioral Health sa
O i-dial ang 988 anumang oras para sa Suicide & Crisis Lifeline. Libre at pribado ang 988 Suicide at Crisis Lifeline. Susuportahan ka ng isang sinanay na manggagawa sa krisis at magbibigay ng mga mapagkukunan na maaaring makatulong. Maaari kang makakuha ng tulong 24 na oras sa isang araw. Hindi mo kailangang maging suicidal para tumawag ng tulong. Maaari ka ring tumawag upang pag-usapan ang:
- Depresyon, karamdaman sa isip, o pagkaramdam ng pag-iisa
- Pakiramdam na nag-aalala tungkol sa pera
- Mga relasyon
- Sekswal na oryentasyon o pagkakakilanlan ng kasarian
Bilang isang miyembro ng SFHP, sasaklawin ng SFHP ang gastos ng pangangalaga mula sa pagtawag sa 988. Maaari ka ring makakuha ng pangangalaga sa kalusugan ng isip mula sa anumang sentro ng krisis o mobile unit kahit na wala sila sa network ng SFHP.
