
Ano ang Kailangan Kong Malaman para Maprotektahan ang mga Anak Ko?
Nangyayari ang exposure sa lead kapag nakakalunok o nakakalanghap ng lead o alikabok na may lead ang isang bata. Pagkatapos malanghap o malunok ng bata ang lead, mabilis itong dadaloy sa dugo. Walang ligtas na antas ng lead sa dugo para sa mga bata. Kahit mabababang antas ng lead sa dugo ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng isang bata na matuto, tumuon, at makapag-perform nang mabuti sa paaralan. Maaaring maging permanente ang mga epekto ng exposure sa lead. Ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung na-expose ang isang bata sa lead ay ang pagpapasuri ng kanyang dugo.
Sinasaklawan ng Medi-Cal ang Pagsusuri para sa Lead sa Dugo
Karamihan sa mga bata na may anumang lead sa kanilang dugo ay hindi kaagad nagkakaroon ng malinaw na sintomas. Kung maaaring na-expose ang iyong anak sa lead, makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak. Magtanong tungkol sa pagpapasuri para sa lead sa dugo.
Sino ang Dapat Magpa-screen?
Ang lahat ng bata na nanganganib sa exposure sa lead ay dapat na masuri para sa lead poisoning. Ang ilang bata ay mas malaki ang posibilidad na ma-expose sa lead kaysa sa iba. Kabilang dito ang mga bata na:
- 6 na taong gulang o mas bata.
- Nakatira o namamalagi sa isang bahay o gusali na naitayo bago ang 1978.
- Bahagi ng pamilyang may mababang kita.
- Mga imigrante, refugee, o inampon kamakailan mula sa mga bansang may mas mababang kita.
- Nakatira kasama o nakakasama ang isang taong may trabahong may kinalaman sa lead.
- Nakatira kasama o nakakasama ang isang taong may mga libangan na nag-e-expose sa kanya sa lead.
Makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak tungkol sa kung dapat magpasuri para sa lead ang anak mo. Maaaring magtanong ang provider upang malaman kung nanganganib para sa lead poisoning ang iyong anak.
Makakuha ng $50 para sa Unang Developmental Screening ng Iyong Anak
Kung mas bata sa 36 na buwan (3 taon) ang iyong anak, makakakuha ka ng $50 na gift card pagkatapos mong dalhin ang iyong anak sa kanyang unang developmental checkup. Ang screening para sa lead sa dugo ay isang karaniwang bahagi ng developmental checkup ng isang bata. Ang mga batang nakatala sa Medi-Cal ay kinakailangang magpasuri para sa lead sa edad na 12 at 24 na buwan. Gayundin, ang sinumang bata sa pagitan ng 24 na buwan (2 taong gulang) at 72 buwan (6 na taong gulang) na hindi pa sumasailalim sa screening test para sa lead sa dugo ay kailangang makatanggap nito (pahabol na pagsusuri).
Awtomatiko kang makakakuha ng $50 na gift card sa koreo mula sa SFHP pagkatapos ng pagpapatingin! Wala kang kailangang sagutang anumang form para makuha ang gift card. Ipapadala sa iyo ang gift card sa pamamagitan ng koreo pagkalipas ng 8 linggo matapos ang iyong pagpapatingin. Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
Matuto pa saMga Gantimpala sa Kalusugan ng SFHP.