Puwedeng makaapekto ang iyong mga pakiramdam sa kung gaano mo kahusay na pinapangalagaan ang iyong sarili kapag mayroon kang diabetes. Puwedeng mas maging mahirap na sumunod sa plano sa pagkain ng masustansya dahil sa mga negatibong emosyon tungkol sa pagkain at diyeta mo. Pero makakatulong din sa iyo ang mga pakiramdam mo. Kung sa tingin mo ay may ginagawa kang mabuti para sa iyong kalusugan, puwede ka nitong matulungang manatiling may motibasyon. Mas mapapabuti mo ang iyong pakiramdam tungkol sa iyong plano sa pagkain at sa sarili mo.
3 Tip para Harapin ang Iyong Mga Pakiramdam sa Positibong Paraan
- Alamin ang tungkol sa iyong plano sa pagkain para sa diabetes. Puwede kang magkaroon ng lahat ng uri ng mga pagkain na gusto mo. Ang susi ay para matutunan kung paano pagkasyahin ang mga ito sa iyong plano sa pagkain o meryenda.
- Makipag-usap sa iba pang tao na matagumpay na nakakasunod sa isang plano sa pagkain para sa diabetes. Alamin kung anong mga pagkain ang gusto nila at kung paano nila inilalagay ang mga ito sa kanilang mga pagkain.
- Subukan ang mga bagong pagkain at bagong recipe para makapaglagay ng iba’t ibang uri sa iyong mga pagkain para hindi ka makaramdam na parang pinagkaitan ka.
Paano haharapin ang mga negatibong pakiramdam tungkol sa iyong diyeta para sa diabetes
Nakakaimpluwensya ang ating mga emosyon sa kung ano ang ating kinakain, kung kailan tayo kumakain, at kung gaano karami ang kinakain natin. Kaya’t puwedeng makaabala ang mga negatibong pakiramdam sa kung gaano kaayos mong masusunod ang iyong diyeta para sa diabetes. Kung kaya mong hayaan ang mga pakiramdam na iyon, mas malamang na makakasunod ka sa masustansyang diyeta. Makakatulong sa iyo ang mga tip na ito para pamahalaan ang mga pakiramdam mo.
- Bigyan ang sarili mo ng pahintulot na makapili. Madalas na iniisip ng mga tao na nangangahulugan ang pagsunod sa diyeta para sa diabetes ng pagsuko sa mga gusto nilang pagkain at pagkakaroon ng mga hindi nila gustong pagkain. Pero sa totoo lang, mayroon kang mga pagpipilian. Subukan ang ehersisyong ito.
- Gumawa ng apat na listahan: Mga gusto mong pagkain, hindi mo gustong pagkain, pagkaing “hindi maganda” para sa diabetes, at pagkaing “mabuti” para sa diabetes.
- I-cross out ang mga pagkain sa listahan ng “mga hindi ko gustong pagkain.” Hindi mo kailangang kainin ang mga ito. Puwede mong kainin ang alinman sa mga pagkain sa iba pang tatlong listahan.
- Hindi mo kailangang isuko ang mga gusto mong pagkain.
- Hindi mo kailangang isuko ang mga gusto mong pagkain.
- Puwedeng kailanganin mong kumain ng ilang pagkain nang mas kaunti at mas madalang para maiwasan ang mataas na blood sugar. Pero puwede mong matutunan na pagkasyahin ang mga ito sa iyong diyeta.
- Tanggapin ang iyong mga pakiramdam. Gumawa ng listahan ng lahat ng nararamdaman mo tungkol sa isang diyeta para sa diabetes at kung bakit nararanasan mo ang mga ito. Halimbawa:
- Puwede kang makonsensya tungkol sa pagkain ng ilang partikular na pagkain, gaya ng chocolate cake, kung sa tingin mo ay “hindi maganda” ang mga ito.
- Puwede kang makaramdam ng galit o sama ng loob kung sa tingin mo ay hindi mo makakain ang mga gusto mong pagkain. Wag mong husgahan ang sarili mo ayon sa nararamdaman mo. Mahalaga ang gagawin mo sa mga ito.
- Hayaan ang iyong mga negatibong pakiramdam. Hindi sapat ang pagtukoy lang ng negatibong pakiramdam para maalis ito. May kailangan kang gawin. Itala kung paano mo pinaplanong harapin ang bawat negatibong pakiramdam. Narito ang ilang ideya:
- Sumulat tungkol sa iyong nararamdaman. Pagkatapos, basahin mo mismo ito nang malakas.
- Makipag-usap sa pamilya mo, kaibigan, o sa iyong espesyalista sa diabetes. Puwede mong matutunan na nakabatay ang iyong mga negatibong pakiramdam sa isang hindi totoong bagay.
- Sumali sa isang grupo ng suporta para sa diabetes. May mga negatibong pakiramdam tungkol sa diyeta ang karamihan sa mga taong may diabetes at handa silang ibahagi kung paano nila hinarap ang mga pakiramdam na iyon.
Sa totoo lang ay:
Kung patuloy na hinahadlangan ng iyong mga pakiramdam ang pag-aalaga mo sa sarili, makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) tungkol sa pagpapayo. Ang iyong PCP ay ang personal mong doktor kung kailangan mo ng check-up, gusto mo ng payo tungkol sa problema sa kalusugan, o kung magkasakit o masaktan ka.
