Ang coronavirus (COVID-19) ay nagdulot ng malalaking pagbabago sa ating buhay. Maaari kang makaramdam ng stress, depresyon, pagkabagot, pagkabalisa, o kalungkutan. Mahalagang alagaan ang iyong sarili:

  • Makipag-ugnayan sa mga taong sumusuporta sa iyong buhay sa pamamagitan ng telepono, text, o online na grupo
  • Alagaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain, pag-eehersisyo, at pagtulog
  • Maghanap ng mga libangang nae-enjoy mo
  • Iwasang uminom ng maraming alak o gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot
  • Magpahinga mula sa panonood o pagbabasa ng mga balita

Hindi ka nag-iisa. Humingi ng tulong sa pamamagitan ng telepono kung pinapahirap ng mga emosyon mo para sa iyo na gawin ang mga bagay na karaniwan mong ginagawa, kung sa palagay mo ay sasaktan mo ang iyong sarili, o kung gumagamit ka ng mga ipinagbabawal na gamot o umiinom ka ng mas maraming alak kaysa sa balak mo.

  • Linya ng Suporta sa Kalusugan ng Isip: 1(855) 845-7415
  • Lokal na Suicide Prevention: 1(415) 781-0500
  • Alcohol and Drug Treatment Access Program: 1(800) 750-2727

Para sa appointment sa kalusugan ng isip:

24 na Oras na Behavioral Health Access Helpline 1(415) 255-3737 (TDD/TTY 1(888) 484-7200)