Alam naming mahirap na panahon ito para sa ating komunidad. Hindi ka ba sigurado kung paano ka maaapektuhan ng pagsasara ng gobyerno? Narito ang SFHP para tulungan kang makahanap ng suporta sa San Francisco.
Tulong para sa mga Tumatanggap ng CalFresh sa San Francisco
Noong Nobyembre, nagpadala ang Lungsod ng San Francisco ng pre-paid na grocery gift cards sa lahat ng CalFresh recipients sa SF. Makakatulong ang mga card na ito sa iyo at sa iyong pamilya na bumili ng pagkain sa mga grocery store sa buong siyudad.
Para magamit ang pera sa iyong card, siguraduhing i-activate ito bago ang Disyembre 31, 2025. Kailangan mong gamitin ang pera sa card bago ang Marso 31, 2026.
Kung kailangan mo ng tulong sa pag-activate ng card o may mga tanong, pindutin ang nasa ibaba:
Higit Pang Mapagkukunan ng Pagkain para sa mga Residente ng SF
Kahit wala kang CalFresh, maraming libreng mapagkukunan sa San Francisco na makakatulong sa iyong makakuha ng masusustansyang grocery o mainit na pagkain:
SF.gov: May kapaki-pakinabang na gabay ang SF.gov sa mga mapagkukunan ng pagkain sa San Francisco, kabilang ang mga programa sa pagkain at mga paraan para makakuha ng masusustansyang grocery. Matuto pa sa kanilang website. .
San Francisco-Marin Food Bank: Naghahatid ang Food Bank ng libre at masusustansyang grocery linggo-linggo sa libo-libong sambahayan. Bisitahin ang sfmfoodbank.org/find-food para maghanap ng pagkaing malapit sa iyo.
GLIDE SF: Nagahahatid ang programang Pang-araw-araw na Libreng Pagkain ng GLIDE ng tatlong meal kada araw para sa mga nangangailangan. Nag-aalok din sila ng mga espesyal na meal para sa mga holiday. Walang kwalipikasyon o intake form na kailangan para makakuha ng pagkain. Tingnan ang mga oras ng pagkain at matuto pa: glide.org/programs/daily-free-meals.
Vouchers 4 Veggies – EatSF: 3rd Street Youth Center & Clinic para sa mga 18-27 taong gulang na nakatira sa San Francisco. Walang kailangang kwalipikasyon sa kita o ID. Para matuto pa, mag-email sa [email protected].
Map of Food Resources: Pindutin para makakita ng mapa ng mga pantry ng pagkain, mga site ng pagkain, at iba pang mapagkukunan ng pagkain sa San Francisco.
