Suporta para sa Pananatiling Ligtas at Malusog
Bakit Dapat Kang Makipagkita sa Iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* (Primary Care Provider, PCP)
- Ang iyong PCP ang iyong partner na tutulong sa iyo na gumawa ng mga pasyang nakakabuti sa kalusugan. Kinikilala ka niya at kung ano ang karaniwang kalagayan ng iyong kalusugan.
- Puwede mong tanungin ang iyong PCP ng anumang tanong tungkol sa iyong kalusugan.
- Maaari kang humingi ng tulong sa parehong mga panandaliang isyu sa kalusugan at panghabang-buhay na kundisyon ng kalusugan, tulad ng diabetes at sakit sa puso.
- Tumutulong ang iyong PCP sa lahat ng iyong pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan, tulad ng paghiling sa iyo na magpatingin sa mga espesyal na doktor kapag kailangan mo nito.
- Makakatulong ang mga regular na pagbisita sa iyong PCP upang mabawasan ang mga pagpunta sa emergency room at pamamalagi sa ospital.
* Makakatulong ang mga regular na pagbisita sa iyong PCP upang mabawasan ang mga pagpunta sa emergency room at pamamalagi sa ospital.