Nagbibigay ang San Francisco Health Plan (SFHP) sa San Francisco ng mura at award-winning na pangangalagang pangkalusugan sa loob ng halos 30 taon. Narito kami para tulungan kang manatiling malusog at suportahan ang iyong kapakanan. Nagsisimula iyon sa isang mahalagang unang hakbang: pagpapatingin sa iyong tagapagbigay ng pangunahing pangangalaga (PCP).
Ang PCP mo ay ang iyong pangunahing doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na tinutulungan kang manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga mo. Maliban kung isa itong emergency sa kalusugan, ang iyong PCP ay ang unang taong dapat mong tawagan kung kailangan mo ng taunang check-up, gusto mo ng payo para sa problema sa kalusugan, o kung magkakasakit o masasaktan ka.
Paano Ka Mapapanatiling Malusog ng Iyong PCP
Tumutulong ang iyong PCP na ayusin at ibigay ang iyong pang-iwas at hindi pang-emergency na pangangalagang pangkalusugan. Sila ang iyong malalapitan para sa lahat ng iyong pangangailangan at katanungan sa kalusugan.
Matutulungan ka ng iyong PCP na:
- Gamutin ang mga karaniwang sakit
- Mahanap ang mga problema sa kalusugan nang maaga
- Pamahalaan ang iyong mga kondisyon sa kalusugan
- Makakuha ng mga bakuna (mga turok) para maiwasan ang mga impeksyon tulad ng trangkaso
- Makakuha ng suporta sa pagkain, pabahay, transportasyon, at marami pa
- Makakuha ng referral para sa espesyalidad na pangangalaga, kung kinakailangan
Mag-iskedyul ng Taunang Check-up sa Iyong PCP
Mahalagang makipagkita sa iyong PCP para sa isang taunang well-check na pagbisita, kahit na ikaw ay malusog. Pinakamahalaga ito para sa mga bata, buntis, at mga taong may malubhang (pangmatagalang) problema sa kalusugan tulad ng hika o diabetes. Sa una mong pagsali sa SFHP, dapat mong bisitahin ang iyong PCP para sa isang check-up sa loob ng unang 120 araw (4 na buwan). Ang pagpapatingin ngayon sa iyong PCP ay makatutulong din para makilala mo sila at mas mabilis kang makakuha ng pangangalaga sa hinaharap.
Pagkatapos ng una mong check-up para sa kalusugan, isasali ka sa isang raffle* para sa $50 na gift card! Para matuto pa, bisitahin ang SFHP health rewards.
Makakatulong sa iyo ang pagkakaroon ng wellness check sa iyong PCP para:
- Mabuhay nang mas matagal
- Bawasan ang iyong panganib para sa mga problema sa kalusugan
- Manatiling malusog at aktibo
- Magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay
Sa panahon ng isang wellness check:
- Susuriin ang iyong mga vital sign (tulad ng timbang at presyon ng dugo).
- Tatanungin ka ng iyong PCP tungkol sa kalusugan mo at ng iyong pamilya.
- Maaari kang magtanong tungkol sa kahit ano o magbahagi ng mga alalahanin tungkol sa kalusugan ng katawan o pag-iisip mo.
- Maaari kang ikonekta ng iyong PCP sa isang klase sa kalusugan o maaari ka niyang tulungan sa pagkain, pabahay, transportasyon, at iba pang suporta.
Tawagan ang iyong PCP para mag-iskedyul ng pagbisita ngayon! Maaari kang makipag-usap sa iyong PCP nang personal o online sa pamamagitan ng telepono o video. Kung kailangan mo ng tulong sa paggawa ng appointment, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
Humingi ng Tulong sa Iyong Wika
Ang ilang kultura ay maaaring may maraming paraan ng pagtugon sa mga pangangailangan sa kalusugan. Gumagamit ng mga natural na remedyo ang ilang tao habang ang iba naman ay madalas na bumibisita sa doktor. Okay lang na makaramdam ng kaba kung bago para sa iyo ang pagpunta sa doktor. Nariyan ang iyong PCP para tulungan ka!
Makakahanap ka ng PCP na nagsasalita ng iyong wika sa pamamagitan ng paggamit ng SFHP Provider Search Tool.
Kapag nag-iskedyul ka ng iyong appointment, puwede ka ring humiling na magkaroon ng interpreter. Makakasama mo ang interpreter nang personal o sa telepono sa panahon ng iyong appointment sa PCP. Tandaan, karapatan mong makakuha ng pangangalagang pangkalusugan sa wikang kailangan mo. Matuto pa tungkol sa paghingi ng tulong sa iyong wika sa SFHP.
Pagpapalit ng Iyong PCP
Kung hindi angkop para sa iyo ang iyong PCP, puwede kang pumili ng bagong tagapagbigay.
Bago ka pumili ng bagong PCP, tanungin ang iyong sarili:
- Malapit ba ang PCP na ito sa kung saan ako nakatira o nagtatrabaho?
- Madali bang bisitahin ang opisina ng PCP na ito sa pamamagitan ng sasakyan, MUNI, o BART?
- Nagsasalita ba ang PCP na ito sa wika ko?
- Ano ang espesyalisasyon sa paggamot ng PCP na ito?
- Nagtatrabaho ba ang PCP na ito sa gusto kong ospital?
Bisitahin ang SFHP Member Portal o tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP para palitan ang iyong PCP.
Para makahanap ng mga doktor, espesyalista, klinika, at ospital na nasa iyong network, tingnan ang SFHP Provider Search Tool.
Kailangan ng Masasakyan?
Sa SFHP, puwede kang makakuha ng transportasyon papunta at mula sa mga sakop na pagbisita sa kalusugan, tulad ng pagbisita sa iyong PCP o pagkuha ng reseta.
Nakikipag-partner ang SFHP sa Modivcare para mag-alok ng parehong Non-Emergency Medical Transportation (NEMT) at Non-Medical Transportation (NMT). Puwede kang humiling ng pagsakay sa pamamagitan ng paggamit ng Modivcare App sa iyong telepono o pagtawag sa Modivcare sa
Alamin pa ang tungkol sa mga serbisyo sa transportasyon sa SFHP at humiling ng masasakyan ngayon!
Makakuha ng Online na Pangangalaga 24/7 sa Teladoc
Ang iyong PCP ang una mong punto ng pakikipag-ugnayan para sa anumang pangangailangang pangkalusugan na mayroon ka. Kung hindi available ang iyong PCP, puwede kang makakuha ng online na pangangalaga 24/7 para sa mga simple at hindi pang-emergency na problema sa kalusugan sa pamamagitan ng Teladoc.
Ikinokonekta ka ng Teladoc sa isang tagapagbigay online o sa telepono. Matutulungan ka nila sa mga isyu tulad ng:
- Mga sintomas ng sipon o trangkaso
- Mga pagkirot at pananakit ng kasukasuan
- Mga problema sa balat
*Kung mananalo ka sa raffle, awtomatikong magpapadala sa iyo ng $50 gift card sa koreo. Makukuha ng mga mananalo sa raffle ang gift card 5 buwan pagkatapos nilang unang maging miyembro ng SFHP. Hindi sasabihin sa iyo kung hindi ka nanalo. Ginawa dapat ang iyong unang check-up sa kalusugan sa loob ng 120 araw (4 na buwan) mula nang sumali ka sa SFHP para maging kwalipikado para sa raffle ng gift card. Wala kang kailangang sagutang anumang form para makuha ang gift card. Hindi magagamit ang mga gift card para sa pagbili ng alak, tabako, o armas.
