Mga Bagay na Dapat Malaman
- Ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay isang virus na umaatake sa immune system.
- Mapipigilan ang HIV sa pamamagitan ng PrEP (Pre-Exposure Prophylaxis) at magagamot sa pamamagitan ng PEP (Post-Exposure Prophylaxis).
- PrEP: Para sa mga taong walang HIV pero nasa panganib na makakuha nito. Puwedeng mabawasan ng PrEP ang panganib ng HIV. Kung na-expose ka sa HIV habang nasa PrEP, mapipigilan ng PrEP ang HIV na manatili at kumalat sa iyong buong katawan.
- PEP: For people who may have been exposed to HIV. Used only for emergencies. PEP must be started within 72 hours after being exposed to HIV.
Paano Ka Makakakuha o Makakahawa ng HIV?
Ang HIV ay kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik o paghihiraman ng karayom. Ang HIV ay maililipat sa pamamagitan ng partikular na fluid ng katawan mula sa taong may o maaaring may HIV sa kanilang dugo. Ang mga fluid na ito ay:
- Dugo
- Semilya (cum) at pre-seminal fluid (pre-cum)
- Mga rectal fluid
- Mga vaginal fluid
- Gatas ng ina
Hindi ka makakakuha ng HIV mula sa laway. Malayo na ang narating ng medisina mula noong HIV/AIDS na epidemya noong 1980s. Kayang mamuhay ng mga taong may HIV ng maraming taon sa pamamagitan ng tamang paggamot.
Gumamit ng PrEP para Mapigilan ang HIV Infection
Negatibo ka sa HIV kung wala kang HIV. Kung negatibo ka sa HIV, puwede kang kumuha ng PrEP para mapigilan ang HIV infection. Ibig sabihin nito na kunin agad ito bago ka pa ma-expose sa virus.
Mga paraan sa pagkuha ng PrEP
- Pag-inom ng isang pang-araw-araw na pill kada araw, o
- Isang turok mula sa doktor kada 2 buwan, o
- Isang turok mula sa doktor kada 6 buwan.
4 na Hakbang kung Posibleng Na-expose Ka sa HIV
- Humingi kaagad ng tulong: Tumawag sa iyong PCP, Teladoc, o pumunta sa Agarang Pangangalaga. Mahalagang simulan ang pagpapagamot sa loob ng 72 oras pagkatapos ma-expose.
- Simulan ang PEP ayon sa inireseta: Mapipigilan ngPEP ang infection pagkatapos mong ma-expose sa HIV.
- Sundin ang iyong mga plano: Ginagawa ang PEP sa loob lamang ng 28 araw. Karaniwang magkakaroon lang ang mga tao ng bahagyang mga side effect.
- Magpa-follow up sa iyong doktor: Maaaring pakuhanin ka ng iyong doktor ng mga follow up na pagsusuri para siguruhing gumagana ang gamot. Maaari kang matulungan ng mga ito na mabawasan ang anumang panganib sa hinaharap ng HIV exposure.
Ang HIV PrEP at PEP ay nagbibigay-proteksyon laban sa mga bagong HIV infection. Ang PrEP ay pag-iwas bago ang exposure. Ang PEP ay pag-iwas pagkatapos ng exposure. Maging may alam Ang PrEP at PEP ay hindi nagbibigay-proteksyon laban sa iba pang STI.
Matuto pa tungkol sa mga sexually transmitted infection (STI) dito at kung paano makakapagpagamot dito.
Higit pang Pag-iwas sa STI
Makipag-usap sa iyong doktor para sa proteksyon laban sa iba pang STI tulad ng gonorrhea, chlamydia, at syphilis. Puwedeng magreseta ang iyong doktor ng DoxyPEP para sa pag-iwas sa STI.
Ang DoxyPEP ay isang antibiotic na gamot na puwede mong inumin sa loob ng 72 oras ng hindi protektadong pakikipagtalik. Makipag-usap sa iyong doktor para matuto pa tungkol sa mga paraan ng pag-iwas sa mga STI. Gagana lang ang DoxyPEP laban sa mga bacterial infection.
Parehong gamitin ang HIV PrEP at DoxyPEP para sa pinakamahusay na proteksyon laban sa mga STI.
Magpa-appointment sa iyong doktor ngayon! Maghanap ng doktor dito.
Ang Iyong Privacy
Tinatawag ang mga serbisyong ito na “mga sensitibong serbisyo”. Hindi mo kailangan ng pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga para magpatingin sa isang doktor para sa sensitibong pangangalaga kung ikaw ay edad 12-18.
Sa anumang edad, palagi kang may iba pang pagpipilian kung ayaw mong makita ang iyong primary care provider* (PCP). Para sa mga serbisyo ng pangangalaga ng kalusugang sekswal sa ilalim ng sensitibong pangangalaga, puwede kang pumunta sa anumang provider ng Medi-Cal. Hindi mo kailangan ng referral. Makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer ng SFHP kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa coverage ng sensitibong pangangalaga.
*Ang iyong primary care provider (PCP) ay ang iyong personal na doktor kung kailangan mo ng check-up, payo tungkol sa problema sa kalusugan, o nagkasakit o nasaktan.
