Maaari mong hilingin na makipag-ugnayan sa iyo sa ibang address, partikular na numero ng telepono, o email address. Tinatawag itong “kahilingan para sa kumpidensyal na komunikasyon.”

Para tulungang maprotektahan ang iyong impormasyon, maaari mong hilingin sa SFHP na makipag-ugnayan sa iyo sa partikular na paraan at sa partikular na lokasyon. Tutugunan ng SFHP ang iyong kahilingan kung agad naming maibibigay ang iyong impormasyon at mga abiso sa paraan at (mga) lokasyong tutukuyin mo. Magkakaroon ng bisa ang iyong kahilingan hanggang sa kanselahin mo ito o magsumite ka ng bagong kahilingan.

Para humiling ng mga kumpidensyal na komunikasyon o gumawa ng mga pagbabago, tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(800) 288-5555 o 1(415) 547-7800.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan pagdating sa impormasyon mo, mangyaring suriin ang Abiso sa Mga Kagawian sa Pagkapribado ng SFHP sa sfhp.org. Maaari mo ring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para humiling ng kopya ng Abiso sa Mga Kagawian sa Pagkapribado.