Makatipid ng oras, pera, at pagbiyahe papunta sa parmasya. Kung mayroon kang SFHP Healthy Workers HMO, puwede mo nang ipahatid ang iyong gamot sa bahay mo!
Ang pagpapahatid ng gamot mo sa iyo ay isang madaling paraan para makuha ang iyong supply para sa hanggang 90 araw. Isa itong magandang opsyon kung tuloy-tuloy at regular ang pag-inom mo ng gamot para manatiling malusog.
Ang mga miyembro ng Healthy Workers HMO ay puwedeng magpahatid ng mga gamot sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng Birdi. Ang Birdi ay isang ganap na kinikilalang mail order na parmasya na nakatuon sa pangangalaga at serbisyo para sa pasyente.
Paano gamitin ang mail order na opsyon para sa iyong mga gamot:
Kung mayroon kang aktibong reseta na may mga natitirang refill:
- Tumawag sa 1(855) 247-3479 (TTY: 711) para ilipat ang iyong reseta.
- Hilingin sa iyong doktor na magpadala ng bagong reseta sa Birdi gamit ang numerong ito: NCPDP 23-72528
Kung kailangan mo ng bagong reseta:
Para sa mga tanong o para malaman ang higit pa, bisitahin ang birdirx.com o tumawag sa 1(855) 247-3479 (TTY: 711)
Lunes hanggang Biyernes: 5:00am – 5:00pm PT
Sabado: 6:00am – 2:00pm PT
