Ang Setyembre ay Buwan ng Pagpapalawak ng Kamalayan tungkol sa Kalusugang Sekswal, at inaanyayahan ka ng SFHP na alamin ang higit pa. Higit sa pisikal na kalusugan ang Kalusugang Sekswal. Saklaw din nito ang iyong emosyonal, mental, at panlipunang kalusugan. Kasama rito ang mga bagay tulad ng pag-alam sa iyong kalagayan kaugnay ng Mga Impeksyong Naipapasa sa Pakikipagtalik (Sexually Transmitted Infections, STI) at pagpaplano ng pamilya. Patuloy na magbasa para matuto pa!

Makipag-usap nang tapat sa iyong mga kapareha

Sexy ang pahintulot! Laging humingi ng pahintulot mula sa iyong mga kapareha kung kayo ay may gagawin na sekswal na aktibidad. Tandaan, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras. Dapat ay lagi kang nakakaramdam ng kaligtasan sa iyong mga relasyon.

Mahalaga ang bukas na komunikasyon sa iyong mga kapareha. Pag-usapan ang mga nakaraang kapareha sa pakikipagtalik at mga diagnosis. Ipaalam sa iyong mga kapareha kung kailangan nilang magpasuri. Magtanong at magbahagi tungkol sa uri ng proteksiyong nais ninyong gamitin. Sa Medi-Cal, maaari kang makakuha ng mga kontraseptibo nang walang gastos. Makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) para matuto pa.

Maging tapat sa iyong mga provider

Ipagbigay-alam sa kanila kung mayroon kang mga alalahanin at nais mong magpasuri. Ipagbigay-alam sa kanila kung mayroon kang anumang bago o lumalalang sintomas. Kung hindi mo sasabihin sa iyong provider kung ano ang nangyayari, hindi ka makakakuha ng kaukulang gamutan. Walang sintomas ang karamihan sa mga STI. Lubos na inirerekomenda ang regular na pagpapasuri kung ikaw ay aktibong nakikipagtalik. Ang pag-uusap tungkol sa mga STI ay nagpapadali para sa lahat na makakuha ng gamutan.

Karaniwang pagsusuri para sa STI ay sumusuri para sa:
  • HIV
  • Chlamydia
  • Gonorrhea
  • Syphilis

Makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa mga kailangan mong pagsusuri sa STI. Matuto nang higit pa tungkol sa mga STI dito.

Kasama sa Pangangalaga sa Kalusugang Sekswal ang mga serbisyong tulad ng:
  • Pagsusuri at pagpapagamot para sa mga STI
  • Pagpapayo, pag-iwas, pagpapatingin, at paggamot sa HIV/AIDS
  • Mga serbisyong pangkontraseptibo tulad ng pagkontrol sa pagbubuntis (hindi kasama ang isterilisasyon)
  • Pagsusuri kung buntis at pagpapayo
  • Pangangalaga para sa panggagahasa at iba pang sekswal na panghahalay
  • Mga serbisyo sa pagpapalaglag

Tinatawag ang mga serbisyong ito na “mga sensitibong serbisyo”. Hindi mo kailangan ng pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga upang magpatingin sa isang doktor para sa sensitibong pangangalaga kung ang edad mo ay 12-18.

Kung ayaw mong magpatingin sa iyong PCP, mayroon ka pa ring iba pang mga pagpipilian. Para sa mga serbisyo ng pangangalaga ng kalusugang sekswal sa ilalim ng sensitibong pangangalaga, maaari kang pumunta sa kahit alin mang provider ng Medi-Cal. Hindi mo kailangan ng referral. Mangyaring makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa saklaw ng sensitibong pangangalaga. Maghanap ng doktor dito.

Kinikilala namin na ang komunidad ng LGBTQIA+ ay humaharap sa mga natatanging hamon at balakid. Maghanap ng mga sanggunian dito para sa higit pang tulong.

Para sa tulong sa kalusugan ng pag-iisip, tumawag sa Carelon Behavioral Health upang malaman pa ang tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng kaisipan o pag-uugali. Upang kumuha ng appointment, tumawag sa 1(855) 371 8117 o 1(888) 484-7200 (TTY) o bisitahin ang carelonbehavioralhealth.com.

*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.