Ano ang Mga Impeksiyong Nakukuha sa Pagtatalik?

Dulot ang mga impeksiyong nakukuha sa pakikipagtalik (sexually transmitted infections o STI) ng germs na nabubuhay sa balat o body fluids gaya ng semen, vaginal fluid, at dugo. Naipapasa ang germs sa mga tao sa pamamagitan ng pagdampi sa balat, dugo, o body fluids. Maaaring mapunta sa katawan ang mga STI sa pamamagitan ng vagina, bibig, anus, at mga open sore o sugat. Hindi ito naipapasa sa simpleng pakikisalamuha, gaya ng kapag nasa mga swimming pool, o sa pag-upo sa mga toilet seat.

Napakakaraniwan ng mga STI. Maaaring magkaroon ng STI ang kahit sino. Maaaring maiwasan, magamot, o lubos na mawala ang mga STI.

Iba’t Ibang Uri ng mga STI

Mayroong maraming uri ng mga STI. Maaari itong hatiin sa 3 pangkat:

  • Ang mga parasito ay napakaliliit na insekto na nabubuhay sa katawan ng tao. Halimbawa nito ang mga pubic lice o “crabs.”
  • Maaaring magamot ng antibiotics ang mga STI na dulot ng bacteria. Ilan sa mga halimbawa nito ang chlamydia, gonorrhea, trichomoniasis, at syphilis.
  • Maaaring makontrol pero hindi tuluyang gumaling ang mga STI na dulot ng mga virus. Kung mahahawa ka ng viral na STI, mananatili ito sa iyong katawan habambuhay. Pero hindi palaging lumalabas ang mga sintomas ng virus. Ang viral na STI ay maaaring HIV, genital herpes, genital warts, human papilloma virus (HPV), at hepatitis B virus.

Mga Sintomas ng STI

Hindi laging may mga sintomas ang mga STI. Kung minsan, hindi matindi ang mga sintomas ng mga STI. Posibleng magkaroon ng STI nang hindi ito nalalaman. Kaya mahalagang magpasuri ng STI kung nakikipagtalik ka. Makipag-usap sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* (PCP) tungkol sa pagpapasuri ng STI at dalas ng pagpapasuri.

Mga karaniwang sintomas na dapat bantayan:

  • Discharge mula sa penis o vagina na iba ang kulay
  • Mga pamamaga o pagtubo sa genital area
  • Hapdi habang umiihi o madalas na pag-ihi
  • Pangangati at pamumula ng genital area
  • Mga paltos o pamamaga sa o sa paligid ng bibig
  • Abnormal na amoy ng vagina
  • Pangangati, pananakit, o pagdurugo ng anus

Para sa higit pang impormasyon, tawagan ang Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o bisitahin ang sfhp.org/health-ed. 24/7 Linya para sa Payo ng Nurse 1(877) 977-3397. Makipag-usap sa doktor sfhp.org/teladoc.

* Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.