Ang paghihilik ay karaniwan, ngunit maaari itong maging tuloy-tuloy na problema. Kung madalas itong mangyari sa gabi, maaari itong maging palatandaan ng malalang isyu sa kalusugan.

Kapag madalas maantala ang iyong pagtulog sa gabi, maaari kang antukin sa araw. Ang mga taong mau sleep apnea ay may mataas na panganib na makaranas ng mga pagkabangga ng sasakyan, aksidente sa trabaho, at iba pang medikal na problema.

Ang sleep apnea ay isang karaniwang problema na nagdudulot ng paghinto ng iyong paghinga sa maiikling panahon o pagiging mababaw nito.

Para sa mga bata, maaari itong makaapekto sa pagkatuto at pag-uugali. Kung mayroon ka nito, mahalagang makatanggap ng paggamot.

Kailan dapat humingi ng tulong
Kung nag-aalala ka na ikaw o ang iyong anak ay may problema sa paghihilik at paghinga sa gabi, tawagan ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider, PCP). Ang iyong PCP ay ang doktor, nurse, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Narito ang ilang palatandaan na dapat tingnan:
  • Pansamantalang humihinto ang paghinga kapag natutulog
  • Pagkaantok sa araw
  • Kahirapan sa pagtuon
  • Mga pananakit ng ulo sa umaga
  • Pananakit ng lalamunan kapag gumigising
  • Hindi mapakaling pagtulog
  • Paghagok o pagkasamid sa gabi
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Pananakit ng dibdib sa gabi
  • Masyadong malakas ang iyong paghihilik na nakakagambala sa pagtulog ng iyong partner
  • Sa mga bata: Maikling atensyon, o mga isyu sa pag-uugali