Kailangan mo bang makipag-usap sa doktor at hindi ka makapagpatingin sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP)* kaagad? Maaari mong gamitin ang Teladoc para kausapin ang isang doktor sa pamamagitan ng telepono o video anumang oras, sa araw man o gabi.

MGA TIP SA PAGHAHANDA PARA SA PAGPAPATINGIN SA TELEPONO O VIDEO:

  • Magsulat ng listahan ng mga bagay na gusto mong pag-usapan
  • Tiyaking alam ng iyong PCP kung gusto mo ng tagasalin
  • Tumawag mula sa tahimik na lugar na may sapat na liwanag kung posible ito
  • Tiyakin ang koneksyon ng iyong telepono bago magsimula ang pagpapatingin
  • isang taong pinagkakatiwalaan mo na samahan ka at tumulong sa pagsulat ng mga tala
  • Mag-sign up para sa online na portal ng pasyente ng iyong PCP. Maaari kang kumuha ng mga refill ng gamot, magplano ng mga pagpapatingin, o gumawa ng ibang aksyon.

Matuto pa sa sfhp.org/Teladoc o 1(800) 835-2362.

* Ang Pangunahing Provider ng Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor.