Ano ang dapat mong malaman tungkol sa fentanyl upang manatiling ligtas

Ang fentanyl ay isang matapang na gamot sa pananakit. Ito ay isang uri ng gamot na tinatawag na opioid. Higit na mas matapang ito kaysa sa maraming iba pang opioid, gaya ng morphine. Dahil napakatapang nito, nakakatulong ito na mapigilan ang napakalalang pananakit. Karaniwang ibinibigay lamang ito ng mga doktor sa mga pasyenteng may mga napakaseryosong kondisyon, tulad ng kanser. Kapag ginagamit ang fentanyl sa maling paraan o inilalagay sa mga street drug, napakadelikado nito.

Bakit Mapanganib ang Fentanyl

Kahit na maaaring makatulong ang fentanyl, maaari rin itong makapinsala nang labis kung hindi gagamitin nang tama. Narito ang ilang dahilan kung bakit mapanganib ang fentanyl:

  • Napakatapang nito: Maaaring magdulot ng mga seryosong problema, na kinabibilangan ng pagkasawi ang kahit napakakaunting dami lang nito.
  • Inilalagay ito minsan sa mga street drug: Maaaring iniisip ng ilang tao na umiinom sila ng mga gamot para sa kirot o gamot na pampabangag o party drug, ngunit maaaring may fentanyl ang mga gamot na iyon. Maaaring mangyari ito kahit na hindi opioid ang street drug na ginagamit mo.
  • Maaari itong humantong sa pagkalulong: Katulad ng iba pang opioid, nangyayari ito kapag mas matagal na gumagamit ng fentanyl ang isang tao. Kapag nasanay na ang katawan sa fentanyl, mas maraming ganito na ang kailangan para makuha ang parehong pakiramdam. Madalas na nagiging mahirap ang paghinto rito.

Paano Ka Mananatiling Ligtas?

Kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay gumagamit ng fentanyl, may mga bagay ka na maaaring gawin upang manatiling ligtas:

  1. Sundin ang mga tagubilin ng iyong provider: Gumamit lamang ng fentanyl nang eksaktong gaya sa sinabi sa iyo ng iyong provider. Huwag gumamit ng mahigit sa kinakailangan.
  2. Pakilayo ito sa iba: Siguraduhing walang ibang makakakuha ng iyong gamot. Ang fentanyl ay maaaring lubhang makapinsala sa ibang tao, lalo na sa mga bata.
  3. Alamin ang tungkol sa naloxone: Ang naloxone ay isang espesyal na gamot na nakakatulong na mapigilan ang mga masamang epekto ng fentanyl kung labis-labis ang maiinom mo o mao-overdose ka. Mainam na may dala kang ganitong gamot at alam mo kung paano ito gamitin. Alamin pa ang tungkol sa naloxone sa cdph.ca.gov.
  4. Subukan ang iyong mga street drug: Kung bumibili ka ng mga street drug, subukan ang mga ito gamit ang mga fentanyl strip bago mo gamitin ang mga ito. Makakatulong ang mga strip na ito na masabi kung may inilagay na fentanyl sa gamot. Tumingin sa sf.gov para malaman kung saan makakakuha ng mga test strip.

Alamin kung paano maiiwasan ang pagka-overdose sa opioid gamit ang naloxone sa California Department of Public Health.

Para sa higit pang impormasyon, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.

 Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Para sa higit pang impormasyon, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.