Kapag may sakit ka o ang anak mo, maaaring mahirap alamin kung saan hihingi ng tulong. Makakatipid ka ng oras, pera, at stress sa pamamagitan ng pagpili ng tamang lugar para sa pangangalaga. Narito ang isang maikling gabay:
Teladoc Health (24/7 na Pagkonsulta sa pamamagitan ng Telepono o Video)
- Pinakamainam para sa mild problems when you want care from home and at any time of day.
- Mainam para sa mga allergy, sipon at trangkaso, mga pamamantal, pink eye, pananakit ng ulo, o impeksyon sa tiyan.
- Bisitahin ang teladoc.com/sfhp o tumawag sa 1(800) 835-2362.
Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider, PCP)
- Pinakamainam para sa tuloy-tuloy (pangmatagalan) na pangangailangang pangkalusugan, regular na check-up, at follow-up na pangangalaga.
- Mainam para sa UTI, pagkontrol sa hika, diabetes, presyon ng dugo, o pagpapabakuna.
- Tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) para magpa-appointment. Ang numero ng PCP mo ay nasa iyong ID card ng SFHP.
Center para sa Agarang Pangangalaga
- Pinakamainam para sa mga problemang nangangailangan ng mabilis na pangangalaga pero hindi nakamamatay.
- Mainam para sa pananakit ng likod o leeg, malalim na hiwa, pilay, pananakit ng tiyan, o maliliit na paso.
Emergency Room (ER)
- Para lang sa mga emergency na nanganganib ang buhay.
- Pumunta sa ER para sa pananakit ng dibdib, kahirapan sa paghinga, matinding pagdurugo, malulubhang pinsala, o kung nanganganib ang buhay mo.
Tandaan:
- Tumawag sa 911 kung mayroon kang tunay na emergency.
- Para sa ibang alalahanin, magsimula sa Teladoc o sa iyong PCP muna.
Kapag alam mo kung saan dapat pumunta, mas mabilis mong matatanggap ang tamang pangangalaga. Makatipid ng oras, pera, at umiwas sa stress sa pamamagitan ng pagtanggap ng tamang pangangalagang kailangan mo!
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ang iyong personal na doktor kung kailangan mo ng check-up, gusto mo ng payo tungkol sa problema sa kalusugan, o nagkasakit o nasaktan ka.