
Ang iyong kalusugan at kapakanan ang aming pangunahing priyoridad sa San Francisco Health Plan. Nasa ibaba ang ilan sa mga pangkalusugang pagpapatingin at pagsusuri na sinasaklaw ng SFHP upang masuportahan ang iyong kalusugan.
Sa Anumang Edad – Itanong kung anong mga pagsusuri at bakuna ang naaangkop para sa iyo
- Mga pagsusuri sa paningin at pandinig
- Pap test (screening para sa cancer sa cervix para sa mga taong may cervix) bawat 3-5 taon para sa mga 21-64 na taong gulang
- Anumang bakuna na maaaring kailangan mo
- Pagsusuri para sa HIV, Hepatitis C, at iba pang nakahahawang sakit
18-45 taong gulang
- Pagsusuri para sa chlamydia bawat taon kung ikaw ay wala pang 25 taong gulang at aktibo sa pakikipagtalik
- Bakuna laban sa HPV kung ikaw ay 26 na taong gulang o mas bata (3 dosis sa kabuuan)
45-70 taong gulang
- Pagsusuri sa kolesterol bawat 5 taon kung ikaw ay lampas na sa 45 taong gulang
- Pagsusuri sa cancer sa colon kung ikaw ay 50-75 taong gulang
- Screening para sa cancer sa suso/dibdib bawat 2 taon kung ikaw ay 50-69 na taong gulang
- Bakuna laban sa zoster sa edad na 50
- Pagsusuri sa bone density simula sa edad na 65
Makipag-ugnayan sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider, PCP) upang malaman kung naaangkop para sa iyo ang alinman sa mga ito. Maaari mo ring tawagan ang iyong PCP tungkol sa anupamang isyu sa kalusugan.