
Ang hepatitis C ay isang sakit sa atay na sanhi ng hepatitis C virus (HCV). Maraming mga taong may hepatitis C ang hindi halata o nakakaramdam na may sakit kaya maaaring hindi nila alam na mayroon silang virus.
Kapag hindi ito ginamot, maaaring humantong ang hepatitis C sa mga problema sa atay, tulad ng scarring at kanser. May pagsusuri sa dugo para malaman kung mayroon ka nito at kailangan mong magpagamot.
Magpasuri kung ikaw ay:
- Edad 18 at mas matanda kahit minsan sa buhay mo
- Ay buntis, at sa tuwing buntis ka
- Nagturok ng droga, o ginawa ito nang isang beses o matagal na ang nakalipas
Kumakalat ang virus sa pamamagitan ng pagdikit sa apektadong dugo. Ang pinakakaraniwang paraan ng pagkakaroon ng virus ay sa pamamagitan ng paghihiraman ng mga karayom, hiringgilya, o iba pang kagamitang nadidikit sa dugo.
Makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider, PCP) at magtanong tungkol sa pagpapasuri. Ang pagpapagamot ay kadalasang maaaring nakapagpapagaling ng hepatitis C.
Matuto pa sa cdc.gov/hepatitis-c.
*Ang provider ng pangunahing pangangalaga ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa ng iyong pangangalagang pangkalusugan.