Bilang #1 pagpipilian para sa Medi-Cal sa San Francisco, ang SFHP ay narito para tulungan kang makuha ang tamang pangangalaga para sa iyong mga pangangailangan sa kalusugan. Kung kailangan mo ng regular na pag-checkup o pagbisita sa espesyalista, ang aming network ng mga lokal na doktor, klinika, at tagapagbigay ang bahala sa iyo.

Ano ang pagkakaiba ng espesyalidad at karaniwang pangangalaga? Narito ang mabilis na pagkakahati-hati:

  • Ang karaniwang pangangalaga ay tumatalakay sa iyong pangkalahatang kalusugan at kapakanan. Kabilang dito ang iyong taunang mga well-check na pagbisita, bakuna (mga turok), preventive screening, at marami pa.
  • Ang espesyal na pangangalaga ay puwedeng makatulong kung mayroon kang mas kumplikado o malubhang (pangmatagalang) mga pangangailangan sa kalusugan, tulad ng diabetes o sakit sa puso. Puwede ka ring magkaroon ng isang bihirang sakit o may mga sintomas na hindi nawala sa mga karaniwang paggamot sa pangangalagang pangkalusugan.

Ano ang isang Espesyalista?

Puwede kang bumisita sa isang espesyalista para makakuha ng ekspertong pangangalaga para sa partikular na problema sa kalusugan. Ang mga espesyalista ay mga surgeon, doktor sa puso, doktor sa allergy, doktor sa balat, at iba pang doktor na nagtatrabaho sa isang bahagi ng pangangalagang pangkalusugan.

Hihingan ka ng karamihan sa espesyalista ng referral mula sa iyong tagapagbigay ng pangunahing pangangalaga (PCP) bago ka magpa-appointment.

Paano Gumawa ng Appointment para sa Espesyal na Pangangalaga

Nasa ibaba ang mga hakbang na maaaring kailanganin mong gawin para makapagpatingin sa espesyalista.
Posibleng may mga naiibang hakbang ang opisina ng iyong PCP. Makipag-ugnayan sa opisina ng iyong PCP para sa higit pang detalye sa Mga Referral ng Espesyalidad.

  1. Makipag-usap sa Iyong PCP

    • Bisitahin ang iyong PCP upang pag-usapan ang tungkol sa iyong mga pangangailangan sa kalusugan at hilingin na magpatingin sa isang espesyalista.
    • Tutulungan ka ng iyong PCP na magpasya kung kaninong espesyalista magpapatingin. Ang espesyalista kung kanino ka magpapatingin ay maaaring nakabatay sa iyong mga pangangailangan sa kalusugan, insurance, at kung kailan ka matitingnan ng espesyalista.
  2. Magpapadala ng Referral ang PCP

    • Ipapadala ng iyong PCP ang iyong referral sa espesyalista sa pamamagitan ng digital o sulat o fax.
  3. Susuriin ng Espesyalista ang Referral

    • Bago ka magpa-appointment, dapat suriin ng espesyalista ang iyong referral.
    • Nagbibigay-daan sa iyo ang referral na makipagkita sa espesyalista.
  4. Gumawa ng Appointment

    • Kapag nasuri na ang iyong referral, makakakuha ka ng mga detalye kung paano ka makakapagpa-appointment.
    • Para sa pangangalaga ng espesyalista na hindi agaran, dapat kang kumuha ng appointment sa loob ng 15 araw ng trabaho.
    • Kung hindi ka makakakuha ng mga detalye ng appointment para sa espesyalista, makipag-usap sa opisina ng iyong PCP para sa tulong.
  5. Makipag-ugnayan sa Iyong PCP

    • Ang iyong espesyalista at PCP ay dapat magtulungan upang mabigyan ka ng pinakamahusay na pangangalaga.
    • Makipag-ugnayan sa iyong PCP pagkatapos magpatingin sa espesyalista para pag-usapan ang tungkol sa mga susunod na hakbang sa iyong pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang anumang iba pang espesyalista na maaaring kailanganin mong makita.

Kung kailangan mo ng tulong o may mga katanungan, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.

Humingi ng Tulong sa Iyong Wika

Ang ilang kultura ay maaaring may maraming paraan ng pagtugon sa mga pangangailangan sa kalusugan. Gumagamit ng mga natural na remedyo ang ilang tao habang ang iba naman ay madalas na bumibisita sa doktor. Okay lang na makaramdam ng kaba kung bago para sa iyo ang pagpunta sa doktor. Nariyan ang iyong PCP para tulungan ka!

Makakahanap ka ng PCP na nagsasalita ng iyong wika sa pamamagitan ng paggamit ng SFHP Provider Search Tool.

Kapag nagpa-appointment ka, puwede ka ring humiling na magkaroon ng interpreter. Makakasama mo ang interpreter nang personal o sa telepono sa panahon ng iyong appointment sa PCP. Tandaan, karapatan mong makakuha ng pangangalagang pangkalusugan sa wikang kailangan mo. Matuto pa tungkol sa paghingi ng tulong sa iyong wika sa SFHP.

Kailangan ng Masasakyan?

Sa SFHP, puwede kang makakuha ng transportasyon papunta at mula sa mga sakop na pagbisita sa kalusugan, tulad ng pagbisita sa isang espesyalista o pagkuha ng reseta.

Nakikipag-partner ang SFHP sa Modivcare para mag-alok ng parehong Non-Emergency Medical Transportation (NEMT) at Non-Medical Transportation (NMT). Madali kang makakahiling ng masasakyan sa pamamagitan ng paggamit ng Modivcare App sa iyong telepono o sa pagtawag sa Modivcare sa 1(855) 251-7098.

Alamin pa ang tungkol sa mga serbisyo sa transportasyon sa SFHP at humiling ng masasakyan ngayon!

Hindi pa Miyembro ng SFHP?

Alamin ang iyong mga opsyon sa pangangalagang pangkalusugan at tingnan kung makakakuha ka ng Medi-Cal sa sfhp.org/qualify.

*Ang iyong tagapagbigay ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyo na manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga mo.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.