Kailangan ng tulong sa pakikipag-usap at pag-unawa sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP)?*

Anuman ang iyong status sa imigrasyon, may karapatan kang makatanggap ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan. Kabilang dito ang kakayahang makipag-usap nang malinaw sa iyong provider, magtanong, at maunawaan ang iyong pangangalaga. Matutulungan ka ng SFHP na makuha ang pangangalaga sa wika na ginagamit mo, kabilang ang American Sign Language.

Mga Hakbang sa Pagkuha ng Pangangalaga sa Iyong Wika

Sulitin ang susunod mong pagpapatingin sa doktor sa pamamagitan ng ilang simpleng hakbang:

  1. Pumili ng PCP na gumagamit ng wika mo. Nagsasalita ang mga SFHP provider ng maraming wika. Bisitahin ang aming Direktoryo ng Provider upang makahanap ng PCP na gumagamit ng wika mo.
  2. Humiling ng isang Kwalipikadong Health Interpreter (tagasalin). Kapag tumawag ka sa iyong PCP upang magpa-appointment, maaari ka ring humiling ng isang tagasalin nang wala kang babayaran. Sasamahan ka ng tagasalin sa iyong pagpapatingin ng kalusugan, sa personal man o sa telepono. Alamin ang higit pa sa mga serbisyo ng interpreter.
    • Makikita mo ang numero ng telepono ng iyong PCP sa likod ng iyong Member ID Card. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng kanilang numero, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP.
  3. Kumuha ng mga materyales sa wika mo nang walang bayad. Maaari mong makuha ang impormasyon ng SFHP at miyembro sa English, Spanish, Chinese, Vietnamese, at Russian.

Mga Karapatan mo bilang isang Miyembro ng SFHP

Alam naming ito ay isang panahong nakaka-stress at nakakalito para sa marami sa ating komunidad. Mahalagang malaman na ang lahat ng miyembro ng SFHP ay may mga karapatan, kabilang ang mga hindi dokumentadong residente:

  1. May karapatan kang makatanggap ng pangangalagang pangkalusugan. Maaaring makakuha ang lahat ng residente ng California ng Medi-Cal anumang bansa ang kanilang pinagmulan o ang status ng kanilang imigrasyon. Kung nag-aalala kang pumunta sa personal na pagpapatingin sa doktor, maaari ka ring makakuha ng pangangalaga sa pamamagitan ng telepono o video.
  2. May karapatan kang kumuha ng interpreter nang walang bayad. Maaari kang makakuha ng de-kalidad na pangangalaga sa wikang gusto mo.
  3. May karapatan kang makakuha ng agarang pangangalaga sa kalusugan, kabilang ang pangangalaga sa ospital. Hindi ka tatanggihan sa ospital dahil sa iyong status sa imigrasyon.

Alamin ang higit pa tungkol sa iyong karapatang makatanggap ng pangangalaga sa kalusugan at makahanap ng suporta para sa mga hindi dokumentadong residente sa San Francisco: sfhp.org/tl/medi-cal-for-all. Tandaan, mahalaga ang iyong kalusugan. Narito ang SFHP upang tumulong na matiyak na makukuha mo ang pangangalaga na kailangan at karapat-dapat para sa iyo.

*Ang iyong PCP ay ang pangunahing doktor, assistant ng doktor, nurse practitioner, o klinika na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.