
Siguraduhing dalhin ang iyong anak sa kanyang mga regular pagsusuri sa kalusugan, na karaniwang tinatawag na mga pagpapatingin ng batang walang sakit. Nagsisimula ang mga pagpapatingin na ito pagkatapos mismo ng kapanganakan at tumatagal nang hanggang tinedyer.
Binibigyang-daan ng mga pagsusuri sa kalusugan na ito na matingnan ng isang provider ng pangangalagang pangkalusugan * (PCP) ang kalusugan at paglaki ng iyong anak. Ang pagtuklas ng anumang problema nang maaga ay nagbibigay sa iyong anak ng pinakamagandang pagkakataong manatiling malusog. Maaari ka ring makipag-usap tungkol sa anumang tanong o alalahaning mayroon ka sa panahon ng mga pagbisitang ito.
Ano ang Nangyayari sa Panahon ng Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit?
Ang bawat pagsusuri sa batang walang sakit ay iniakma sa iyong anak. Sa karamihan ng mga pagpapatingin, susuriin ng PCP ang sumusunod:
- Paglaki at pag-develop, gaya ng taas, timbang, at mga milestone ng iyong anak tulad ng kung paano siya maglaro, gumalaw, magsalita, o kumilos.
- Kalusugan ng katawan, gaya ng kanyang puso, mga baga, tiyan, balat, mga mata, mga tainga, at lalamunan.
- Mga kinakailangang pagpapabakuna (iniksyon) o pag-screen. . Ibinibigay ang mga iniksyon batay sa isang iskedyul. Ang mga pag-screen para sa pandinig, paningin, o iba pang alalahanin sa kalusugan ay maaaring magawa batay sa edad ng iyong anak.
- Kung kailangan mo ng anumang suporta: Ang PCP ay maaaring mag-alok ng tulong sa malusog na pagkain, pagtulog, aktibidad, at mga panseguridad na hakbang para sa iyong anak. Maaari silang makipag-usap tungkol sa anumang tanong o alalahaning posibleng mayroon ka. Maaari din silang magbigay ng suporta sa iyo bilang isang magulang.
Bibigyan ka ng PCP ng iyong anak ng iskedyul para sa mga pagpapatingin ng batang walang sakit, gaya ng:
- Edad na 3 hanggang 5 araw
- Bago maging 1 buwan
- 2 buwan
- 4 na buwan
- 6 na buwan
- 9 na buwan
- 1 taon
- 15 buwan
- 18 buwan
- 2 taon
- 30 buwan
- 3 taon
Pagkalipas ng edad na 3 taon, ang mga pagpapatingin ng batang walang sakit ay kadalasang iniiskedyul kada taon hanggang tinedyer.
Kung may Medi-Cal ang iyong anak, maaari siyang makakuha ng pangangalaga nang walang bayad mula kapanganakan hanggang 21 taong gulang. Matuto parito tungkol sa iyong mga benepisyo ng Medi-Cal.
Makakuha ng $50 gift card para sa mga pagpapatingin ng batang walang sakit
Makakuha ng $50 gift card para sa mga pagpapatingin ng batang walang sakit
Kung dadalhin mo ang iyong anak upang sumailalim sa 6 o higit pang pagpapatingin ng batang walang sakit sa loob ng unang 15 buwan ng buhay ng iyong anak, makakakuha ka ng $50 na gift card sa koreo!
Awtomatikong ipapadala sa iyo ang gift card sa pamamagitan ng koreo pagkalipas ng 8 linggo. Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang mga tanong, tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), or 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm. Maaari kang matuto pa tungkol sa Mga Gantimpala sa Kalusugan ng SFHP dito!
*Ang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) mo ay ang iyong pangunahing doktor o provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumutulong sa iyong manatiling malusog at nangangasiwa sa pangangalaga sa iyo.