Maaaring masakit para sa anak mo ang pagkakaroon ng cavities at pananakit ng ngipin kaysa sa iyong iniisip.
Maaaring makaapekto ang mga ito sa pag-uugali ng anak mo sa paaralan. Kapag mas maraming problema sa kanilang mga ngipin, mas madalas din ang pagbisita sa dentista. Nawawalan sila ng oras para sa paaralan at sa kanilang paglaki. Mahalaga rin ang mga ngipin para sa tiwala sa sarili ng bawat isa. Maaaring maging dahilan ang kanilang mga ngipin upang mawalan sila ng tiwala sa sarili.
Hindi kailanman masyadong maaga para pag-isipan ang tungkol sa kalusugan ng mga ngipin ng anak mo.
Dalhin ang anak mo sa dentista sa kanilang unang kaarawan. Titiyakin ng dentista na maayos ang pag-unlad ng kanilang mga gilagid at ngipin. Mahalaga ang malulusog na baby teeth upang maiwasan ang mga problema sa ngipin ng matatanda.
Bigyan ang anak mo ng magandang simula sa kanilang kalusugan ng bibig.
Ikonekta sila sa isang dentista upang masigurong malusog ang kanilang mga ngipin. Iwasan ang pananakit at komplikasyon sa hinaharap. Simulan nang maaga ang mga gawi sa ngipin ng anak mo. Ang Coverage para sa ngipin ay isang benepisyong iniaalok ng Medi-Cal.
Alam mo bang ang pagkabulok ng ngipin sa kabataan ay isa sa mga pinakakaraniwang kronikong sakit sa mga bata?
Maaari mong maiwasan ang pagkabulok ng ngipin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip sa ibaba!
Mga Tip para sa Kalusugan ng bibig
- Mag-iskedyul ng mga pagpapatingin ng ngipin: Dalhin ang anak mo sa dentista kahit tuwing 6 buwan.
- Alagaan ang gilagid ng sanggol mo: Dahan-dahang punasan ang gilagid gamit ang medyo basang washcloth. Makakatulong itong alisin ang anumang bacteria.
- Unang ngipin? Simulan ang pagsisipilyo: Gumamit ng sipilyo at toothpaste na para sa sanggol. Magsipilyo gamit ang tubig at kaunting fluoride toothpaste (kasinglaki ng butil ng bigas).
- Magsipilyo: Magsipilyo nang dalawang beses sa loob ng dalawang minuto.
- Isama pati ang mga pagitan ng mga ngipin: Simulang gumamit ng floss isang beses sa isang araw.
Kumuha ng Pangangalaga para sa Anak mo
Ang iyong mga benepisyong dental ay saklaw ng Medi-Cal Dental. Nasa ibaba ang ilan sa mga benepisyong saklaw:
- Mga pagsusuri sa ngipin
- Mga X-ray
- Paglilinis ng mga ngipin
- Fluoride Varnish
- Mga pasta ng ngipin
- Mga serbisyong pang-emergency
- Pagpapakalma (kung medikal na kinakailangan)
Nag-iiba ang mga benepisyo depende sa edad ng iyong anak. Mangyaring bisitahin ang dental.dhcs.ca.gov para tingnan kung anong saklaw para sa anak mo.
Highlight ng Partner: SF Children’s Dental
Naglilingkod ang SF Children’s Dental sa mga bata at sa kanilang mga dental na pangangailangan. Eksperto sila sa pangangalaga sa mga pangangailangan ng mga bata. Nagbibigay din sila ng lugar kung saan maaaring makaramdam ang anak mo ng kaligtasan at kapanatagan habang nagpapatingin. Maaaring mag-alok ang SF Children’s Dental ng general anesthesia o laughing gas kung kinakailangan. Ligtas itong gawain upang mabawasan ang kaba ng mga anak mo. Ginagamit lamang ito kung medikal na kinakailangan at sinusubaybayan ng isang anesthesiologist.
Pinalawak nila ang kanilang mga serbisyo noong Enero kaya tingnan mo ang mga ito.
Maaari mo silang tawagan sa 1(650) 999-3935 o bisitahin ang kanilang website upang magpaiskedyul ng appointment.
Kumonekta sa isang Dentista
Maghanap ng iba pang dental clinic sa pamamagitan ng Medi-Cal Dental (tinatawag ding Denti-Cal).
Upang makahanap ng dentista, bisitahin ang dental.dhcs.ca.gov o tumawag sa 1(800) 322-6384 o 1(800) 735-2922 (TTY).