Sa San Francisco Health Plan (SFHP), ang aming misyon ay magbigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa San Francisco nang may dignidad at transparency. Ngayong araw, ibinabahagi namin ang isang mahalagang update tungkol sa iyong pangangalaga.

Ang Alam Namin

Mula noong Hulyo 17, 2025, nakumpirma na ibinahagi ng pederal na Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS) ang personal na data ng mga miyembro ng Medi-Cal sa Department of Homeland Security. Kabilang sa data na ito ang status sa imigrasyon ng lahat ng miyembro ng Medi-Cal sa California.
Alam naming labis na nakakabahala ito para sa ating komunidad, lalo na para sa ating mga hindi dokumentadong miyembro at pamilyang halo-halo ang status. Patuloy na magsisikap ang SFHP kasama ng iba pang lokal na organisasyon upang itaguyod ang iyong karapatan sa pangangalagang pangkalusugan.
Kung sa tingin mo ay hindi ka ligtas na bumisita sa iyong doktor o provider nang personal, narito ang SFHP para sa iyo. Makukuha mo ang pangangalagang kailangan mo online o sa pamamagitan ng telepono.

Ang Aming Paninindigan sa Iyo

Lubos na sineseryoso ng SFHP ang privacy ng aming mga miyembro. Desidido kaming makuha para sa iyo ang mga sagot na kailangan mo. Habang nagsisikap kaming mahanap ang mga sagot na iyon, dapat mong malaman na:

  • Nakatuon ang SFHP na maprotektahan ang karapatan sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng aming miyembro, kasama ang mga hindi dokumentadong miyembro ng komunidad.
  • Ang San Francisco ay isang santuwaryong lungsod, na nangangahulugang hindi nakikipagtulungan ang SFHP sa mga pederal na opisyal ng imigrasyon maliban kung saan iniaatas ng batas.
  • Nakikipagtulungan kami kasama ang iba pang lokal na plano sa kalusugan, organisasyon ng komunidad, Department of Health Care Services (DHCS) ng California, at iba pang ahensya para alamin kung paano ka namin mapagsisilbihan sa pinakamahusay na paraan at kung paano namin maitataguyod ang iyong karapatan sa pangangalagang pangkalusugan sa mahirap na panahong ito.
Mga Resource para sa Aming Hindi Dokumentadong Komunidad

Makakakuha ka pa rin at ang iyong pamilya ng pangangalagang pangkalusugan na kailangan mo. Kung nararamdaman mong hindi ka ligtas para magpatingin sa iyong doktor o provider nang personal, narito ang SFHP para sa iyo.

24/7 na Pangangalaga, Online o Sa Pamamagitan ng Telepono
Teladoc: Maaari kang makatanggap ng pangangalaga at makipag-usap sa iyong doktor gamit ang telepono mo, smartphone app, o computer sa pamamagitan ng aming serbisyo ng telehealth na Teladoc. Available ang mga provider ng Teladoc 24/7, pitong araw sa isang linggo. Matuto pa tungkol sa mga pagpapatingin sa telehealth sa sfhp.org/Teladoc.

Linya para sa Payo ng Nurse: Kung hindi ka maaaring magpatingin sa iyong doktor nang personal o kung gusto mo ng tulong para bumuti ang pakiramdam sa bahay, maaari kang makipag-usap sa nurse 24/7 sa pamamagitan ng paggamit sa Linya para sa Payo ng Nurse ng SFHP. Tumawag sa 1(877) 977-3397.

Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP
Narito ang aming team ng Serbisyo sa Customer para matulungan kayong makuha ang pangangalagang kailangan mo at masagot ang anumang tanong na posibleng mayroon ka. Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.

Tumawag sa Sentro ng Serbisyo ng SFHP
Makakatulong sa iyo ang Sentro ng Serbisyo ng SFHP na makakuha o magpanatili ng saklaw ng Medi-Cal, mag-sign up para sa Healthy San Francisco, SF City Option, at higit pa. Pumunta sa sfhp.org/service-center para magpa-appointment sa pamamagitan ng telepono ngayong araw.

Maghanap ng Lokal na Legal na Suporta at Iba pa Resource
Para makahanap ng mga lokal na organisasyong maaaring makapagbigay ng legal, pinansyal, at iba pang suporta para sa mga hindi dokumentadong residente ng SF, pakibisita ang sfhp.org/medi-cal-for-all.

Mga Resource ng DHCS
Ibinibigay ng DHCS ang mga resource at gabay na ito para sa mga hindi dokumentadong miyembro ng komunidad, o mga may hindi kasiya-siyang katayuan sa imigrasyon (unsatisfactory immigration status, UIS):