Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Libreng Benepisyo sa Telemedicine

Sa Teladoc®, may makakausap kang doktor sa loob ng ilang minuto, hindi ilang oras o araw na hihintayin mo sa ER, agarang pangangalaga, o sa iyong PCP.

Kapag Hindi Ka Makakapagpatingin sa Iyong PCP

Maaari kang makipag-usap sa isang doktor mula sa kahit saan sa pamamagitan ng iyong telepono, smartphone app, o sa iyong computer. Sa aming LIBRENG serbisyo, ang Teladoc®, makakakuha ka ng pangangalaga mula sa isang doktor para sa mga problemang simple at hindi pang-emergency.*

Magagamot ng isang doktor Teladoc® ang mga simpleng problema tulad ng:

  • Mga Problema sa Likod at Kasukasuan
  • Kawalan ng Ginhawa sa Pag-ihi

  • Sipon
  • Trangkaso

  • Pagsusuka at Pagtatae
  • Mga Namumula at Nangangating Mata

  • Mga Pamamantal sa Balat
  • At Higit Pa

Magparehistro sa Teladoc®

Mayroon kang tatlong madaling paraan upang magparehistro sa Teladoc®:

  • Sa website nito: teladoc.com/sfhp
  • Mag-download ng Teladoc® mobile app sa pamamagitan ng pag-click sa mga button ng app
  • Tawagan ang Teladoc Teladoc® sa 1(800) 835-2362. Kung hindi English ang wika kung saan pinakakomportable kang magsalita, dapat kang tumawag sa Teladoc®.

Kumpletuhin ang Iyong Medikal na Kasaysayan

Upang makumpleto ang proseso ng pagpaparehistro, dapat mong sagutan ang isang form ng medikal na kasaysayan. Daoat makumpleto ang form na ito bago humiling ng doktor at kailangan itong ma-update bawat taon. Susuriin ng doktor ng Teladoc® ang iyong medikal na kasaysayan bago makipag-usap sa iyo.

Mga miyembro ng SFHP Healthy Workers HMO

Magkakaroon ang mga miyembro ng Healthy Workers ng San Francisco Health Plan (SFHP) ng mga bagong karapatan para sa mga serbisyong natanggap sa pamamagitan ng telehealth sa ilalim ng Panukalang Batas sa Pagpupulong (Assembly Bill, AB) 457, and Batas sa Pagprotekta sa Pagpili ng Pasyente sa Provider ng Telehealth. Nagkaroon ng bisa ang AB 457 noong Enero 1, 2022.

  • May karapatan kang i-access ang iyong mga medikal na rekord.
  • Iniaatas sa SFHP na ibahagi ang mga rekord ng anumang serbisyo sa telehealth na ibinigay sa pamamagitan ng Teladoc® sa iyong PCP maliban kung tumutol ka. Kung pipiliin mong hindi lumahok sa pagbabahagi ng Teladoc ng mga rekord sa iyong PCP, maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pagtawag sa Teladoc sa 1(800) 835-2362. May karapatan ka ring i-access ang mga rekord na ito.
  • Available ang lahat ng serbisyong natatanggap sa pamamagitan ng telehealth sa Teladoc sa parehong halaga ng sa provider na nasa network, at maiipon ang lahat ng pagbabahagi ng gastos sa maximum na out-of-pocket.
  • Maaari kang tumanggap ng mga serbisyo nang personal o sa pamamagitan ng telehealth, kung available, mula sa iyong provider na nasa network. Iniaatas sa SFHP na ibigay ang mga serbisyong ito sa iyo sa loob ng tagal ng paghihintay na nakalista sa seksiyong Napapanahong Access sa Pangangalaga ng Handbook ng Miyembro.

Magtakda ng Appointment

Maaari mong hilingin na makausap ang isang doktor mula sa bahay mo kung saan ka man may access sa telepono o internet nang LIBRE. Ang mga doktor ay Sertipikado ng Lupon ng California, at marami sa kanila ang may mahigit 20 taong karanasan. Makipag-usap sa isang doktor sa pamamagitan ng telepono sa wikang ginagamit mo. Available ang mga doktor anumang oras sa araw o sa gabi. Matuto pa sa Teladoc® o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(800) 835-2362.

Maaari ka ring tumawag sa aming Linya para sa Tulong ng Nurse anumang oras upang makipag-usap sa isang nagsanay na rehistradong nurse na makakasagot sa iyong mga tanong sa pangangalagang pangkalusugan. Libre at magagamit mo ang serbisyong ito sa iyong wika. Tumawag sa 1(877) 977-3397.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.