Kami, ang pamunuan ng San Francisco Health Plan (SFHP), ay dismayado sa 6-3 na pasya ng Kataas-taasang Hukuman ng U.S. sa Dobbs v Jackson Women’s Health na baligtarin ang matagal na at makabuluhang pamarisan ng Roe v. Wade.

Binabawi ng pasya sa Dobbs ang pederal na proteksyon ng karapatan sa mga ligtas at mabisang pagpapalaglag at ipinapailalim nito ang reproductive na kalusugan ng mga tao sa hurisdiksyon ng iba’t ibang batas ng estado.

Isinabatas ng California ang karapatan sa pagpapalaglag. Noong 2002, nagpasa ang California ng batas na gumagarantiya sa karapatang pumili ng isang tao. Legal ang mga pagpapalaglag sa ilalim ng anumang sitwasyon sa batas hanggang sa viability ng fetus. Pagkatapos ng viability ng fetus, maaaring isagawa ang pagpapalaglag upang maprotektahan ang buhay o kalusugan ng buntis.

Iginagalang ng SFHP ang mga reproductive na karapatan ng LAHAT ng miyembro nito at patuloy itong susuporta sa mga taong pipiliing wakasan ang kanilang pagbubuntis anuman ang dahilan. Sinasaklaw ng SFHP ang mga serbisyo sa pagpapalaglag para sa lahat ng nagpatala sa Medi-Cal nito at patuloy nitong pahihintulutan ang mahalagang serbisyong ito upang matiyak na walang hadlang para sa lahat ng aming miyembro sa ligtas at mabisang reproductive na pangangalagang pangkalusugan.

Patuloy naming susuportahan ang aming network ng mga provider at tauhan, na marami sa kanila ang hindi kailanman umasang may makakaharap na hamong tulad nito sa kanilang mga karera at lubhang naapektuhan ng balita.