Nagsimula ang lahat ng ito sa isang tanong: paano namin masusupotahan ang mas maraming pagpapatingin para sa kalusugang pambata sa aming mga miyembro sa Latine na komunidad?

Noong 2024, sinusubukan ng team ng Kalusugan ng Populasyon sa San Francisco Health Plan (SFHP) na maghanap ng mga paraan kung paano masasagot ang mismong tanong na ito.

Iyon ang panahon kung kailan nakipag-uganayan si Edgar Rodriguez, isang Associate Program Manager sa SFHP, sa Central American Resource Center of San Francisco (CARECEN SF).

Pakikipagtulungan sa CARECEN SF

Binibigyan ng kakayahan at itinataguyod ng CARECEN SF ang mga Latine na imigrante sa SF, sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo mula sa legal na suporta sa imigrasyon hanggang sa pagsasanay sa pamumuno ng mga kabataan. Ngunit hindi lang iyon.

Sa pamamagitan ng kanilang modelong (tapagtaguyod ng kalusugan), tinutugunan din ng CARECEN SF ang mga pagkukulang sa kalusugan. Ang mga ay mga sinanay na miyembro ng komunidad na mahusay sa pagbuo ng malalim ng ugnayan, peer-to-peer na edukasyong pangkalusugan, at outreach.

Nagkaisa ang CARECEN SF at SFHP noong Hunyo ng 2025, na may partnership na umabot ng isang taon bago mabuo, para makapag-alok ng serye ng online na pangkalusugang workshop para sa panahon ng at pagkatapos ng pagbubuntis ng mga Latine na ina – kung saan ang lahat ay mga miyembro rin ng SFHP.

Paggawa ng Ligtas at Maaasahang Espasyo

Sinasaklaw ng serye apat na bahaging workshop ang lahat mula sa mga benepisyo ng SFHP hanggang sa kahalagahan ng mga pagpapatingin ng batang walang sakit, screening sa pag-develop, at higit pa. Ang mga ay mahalagang bahagi ng proseso, na iniaakma ang nilalaman ng workshop para matugunan ang kultural na pangangailangan, maging nakakaengganyo, at kasiya-siya.

“Dahil nauunawaan namin ang mga kulturang pinagmulan ng aming mga komunidad, alam namin kung ano ang kagawian sa kultura at kung ano ang hindi,” ibinahagi ni Vanessa Bohm, Direktor ng Mga Programa sa Kapakanan ng Pamilya at Pagtatampok ng Kalusugan sa CARECEN. Kaya sa pamamagitan ng payo o edukasyon sa kalusugan, “makikilala natin ang mga pagkakaiba, at makakapag-isip tayo ng [mga solusyon].”

Ang pagiging eksperto sa kultura ay talagang mahalaga sa pagpunan ng pagkukulang sa pagitan ng mga pangkalusugang institusyon at miyermbro ng komunidad, na magdudulot ng ginhawa at kaligtasan sa mga kalahok.

“Talagang naging mas malalim ang mga tanong sa pagdating sa pagtatapos. Doon ko nasaksihan ang mas maraming tao na naging bukas sa pagbabahagi, at pagsasabi ng kanilang mga alalahanin o tanong tungkol sa kanilang sanggol na anak,” saad ni Edgar.

Pagtataguyod ng Adbokasiya at Access sa pamamagitan ng Edukasyon

Bagama’t maraming natutunan ang mga kalahok tungkol sa kalusugang pambata, hindi lang umikot ang mga workshop sa kaalaman at pagbabahagi. Gaya ng sinabi sa amin ni Vanessa: “Napansin naming nakatulong ang mga workshop na ito sa pagkakaroon ng kumpiyansa ng mga kalahok. Tumutulong ito sa kanila na mas mapadali ang pagpapakita at pagtataguyod ng kanilang mga sarili – at iyon ay napakahalaga.”

At, sa pagbibigay-diin sa mga available na serbisyo ng SFHP, nakalikha rin ang mga workshop ng mas malawak na access para sa mga miyembro.

“Ibinahagi ng isa sa mga miyembro na hindi niya alam ang tungkol sa mga serbisyo sa transportasyon ng SFHP,” sabi ni Edgar, na sumasangguni sa isang komento mula sa focus group pagkatapos ng workshop. “Ngayon, nag-iiskedyul na siya ng masasakyan para sa lahat ng kanyang appointment – napakagandang marinig iyon.”

Ang Kapangyarihan ng Mga Partner ng Komunidad

Sa matagumpay na pagtatapos ng serye ng workshop, isang bagay ang malinaw: mahalaga ang mga organisasyong tulad ng CARECEN sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

“Kilala tayo sa komunidad, kaya mas madali para sa [CARECEN SF] na bumuo ng mas malalalim na ugnayan sa mga miyembro ng komunidad,” ibinahagi ni Vanessa. “Nagsikap tayong mabuti para mabuo ang tiwalang iyon. Ngayon, nakakagawa na tayo ng mga espasyo kung saan nararamdaman ng mga miyembro na ligtas, pinapangalagaan, at may access sila sa impormasyong sa karaniwan ay wala silang access.”

Sa SFHP, nagsusumikap kaming pagandahin ang kalusugan at kapakanan ng lahat ng San Franciscan. Hindi namin ito magagawa kung walang mga pinagkakatiwalaang partner tulad ng CARECEN SF. Sa pamamagitan ng pangangalap ng mga mapagkukunan, kadalubhasaan, at kalakasan, natugunan namin ang mga pangangailangan ng aming komunidad – nang magkakasama.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.