Kailangan ng katawan mo ng asukal sa dugo (glucose) para sa enerhiya. Kapag masyadong tumaas o bumaba ang mga antas ng asukal sa dugo, maaari kang manghina o mapagod. Kapag alam mo ang mga bilang mo, mananatili kang nasa balanse. Sundin ang simpleng gabay na ito para tingnan ang asukal sa iyong dugo.
-
Suriin ang mga bilang mo bawat araw.
Sa araw-araw na pagsusuri, malalaman mo kung paano tumutugon ang karawan mo sa mga pagkain, aktibidad, at pahinga.
-
Piliin kung paano mo susubaybayan ang asukal sa iyong dugo.
Gumamit ng finger‑stick test o continuous glucose monitor (CGM) para tingnan ang mga bilang mo nang real time. Kausapin ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) para alamin kung ano ang tama para sa iyo.
-
Alamin ang iyong mga target na antas.
Inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan na layunin ang 80–130 mg/dL bago kumain at mas mababa sa 180 mg/dL 1–2 oras pagkatapos kumain. Tanungin ang iyong PCP kung ano ang target mo.
-
Gumawa ng tuloy-tuloy na rutina.
Suriin ang asukal sa iyong dugo sa parehong oras bawat araw. Isulat ang iyong mga resulta o gumamit ng app.
-
Gawing gabay ang mga bilang mo para makapagdesisyon para sa magandang kalusugan.
Maipapakita ng mga bilang mo kung paano ka naaapektuhan ng bawat pagkain. Gumawa ng mga pagbabago para mabalanse ang asukal sa iyong dugo sa buong araw.
Kailangan ng Suporta?
Kung gusto mo ng tulong sa pagkontrol ng iyong kalusugan nang walang bayad, puwede mong tawagan ang SFHP Care Management:
- Medi‑Cal: 1(415) 615‑4515
- SFHP Care Plus (HMO D‑SNP): 1(415) 615‑4545
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ang iyong personal na doktor kung kailangan mo ng check-up, gusto mo ng payo tungkol sa problema sa kalusugan, o nagkasakit o nasaktan ka.