Ang pagpapatingin sa Teladoc® ay isang madaling paraan para makakuha ng pangangalaga nang hindi umaalis ng bahay. Sa kaunting paghahanda, puwede kang makaramdam ng kumpiyansa at masulit ang iyong appointment.

Narito ang mga simpleng hakbang:

  1. Maghanap ng tahimik na lugar. Pumili ng lugar na maliwanag.
  2. Subukan ang iyong device. Siguruhing may charge ang iyong telepono, tablet, o kompyuter at nakakakonekta sa internet.
  3. Ihanda ang iyong impormasyon. Isulat ang iyong mga iniinom na gamot, mga kamakailang sintomas, at anumang mga katanungan.
  4. Sumali nang maaga. Nakakatulong ang pag-log in nang mas maaga para makabawas ng stress.

Karapatan mo ang pangangalagang angkop sa iyong pamumuhay. Puwedeng makatulong sa iyo ang Telehealth na makatipid ng oras, mapanatili ang iyong kalusugan, at masuportahan ka kahit na abala sa mga araw ng tag-init.

Matuto pa sa Kumuha ng 24/7 Care Anywhere gamit ang Teladoc.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.