Dahil nagbabago ang mga panuntunan tungkol sa mga pag-renew ng Medi-Cal, mas mahalaga na ngayon kaysa dati na siguraduhing napapanatili ninyo ang inyong pagsaklaw. Pero hindi kailangang nakaka-overwhelm ang pag-renew ng inyong Medi-Cal. Narito ang aming pangkat ng Sentro ng Serbisyo ng San Francisco Health Plan (SFHP) para gabayan kayo sa proseso, para kayo at ang inyong pamilya ay patuloy na makatanggap ng pangangalagang kailangan ninyo.
Para makatulong na masagot ang inyong mga tanong at maplano ang inyong susunod na pagbisita sa Sentro ng Serbisyo, nakapanayam namin si Mandy, ang Site Operations Lead sa Sentro ng Serbisyo ng SFHP.
Mandy, salamat sa pakikipag-usap sa amin. Bago natin talakayin ang mga pag-renew ng Medi-Cal, pag-usapan muna natin nang kaunti ang tungkol sa Sentro ng Serbisyo. Ano ang maitutulong ng inyong pangkat?
Mandy: Makakatulong ang aming pangkat sa maraming iba’t ibang bagay. Una sa lahat, hindi lang bukas ang Sentro ng Serbisyo para sa mga miyembro ng SFHP, kundi para din sa lahat ng residente ng San Francisco. Marunong magsalita ng maraming wika ang aming pangkat, at nag-aalok din kami ng mga libreng serbisyo sa pagsasalin.
Matutulungan namin ang mga taong mag-apply, magpatala, at mag-renew sa pagsaklaw sa kalusugan at iba pang programa, kasama ang:
- Medi-Cal
- Healthy San Francisco
- SF Medical Reimbursement Account/SF City Option
- CalFresh
- Covered California
Bukas kami nang Martes-Huwebes para sa mga appointment sa personal, at nag-aalok din kami ng mga appointment sa telepono nang Lunes-Sabado. Pumunta sa sfhp.org/service-center para makita ang kumpletong oras na bukas kami.
Napakagandang marinig iyan! Ngayon, pagdating sa pag-renew ng pagsaklaw ng Medi-Cal, paano nagsisimula ang prosesong iyon?
Mandy: Kapag oras na para mag-renew, makakatanggap ang mga miyembro ng Medi-Cal ng packet sa pag-renew sa koreo. Naglalaman ang packet na ito ng lahat ng impormasyong kailangan nilang punan o i-update.
Anong uri ng impormasyon ang kailangang iulat ng mga tao sa packet sa pag-renew na ito?
Mandy: May mga tanong sa packet sa pag-renew tungkol sa anumang kamakailang pagbabago sa buhay ninyo, gaya ng:
- Kung nagbago ang laki ng sambahayan ninyo (may tumira o umalis sa sambahayan ninyo)
- Kung nagbago ang kita ninyo
- Kung nagkaroon kayo ng bagong trabaho
- Kung nagkaanak kayo o nabuntis kayo kamakailan
Ang mga espesyal na pangyayaring ito ay maaaring makaapekto sa inyong pagiging kwalipikado sa Medi-Cal. Tiyaking iulat ang anumang pagbabago, at siguraduhing tama ang inyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan (pangalan, address, numero ng telepono, at email).
Paano makakahingi ng tulong ang isang tao sa Sentro ng Serbisyo para makumpleto ang packet sa pag-renew na ito?
Mandy: Matutulungan namin kayong i-renew ang inyong Medi-Cal nang personal. May tatlong paraan para makapag-iskedyul kayo ng appointment sa personal para makahingi ng tulong sa Sentro ng Serbisyo:
- Pumunta sa sfhp.org/service-center
- Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm
- Bisitahin kami nang personal, at tutulungan kayo ng aming tauhan sa front desk na magpa-appointment. Ang address namin ay 550 Kearny Street, Lower Level, San Francisco, CA 94108–sa tabi mismo ng gusali ng Social Security
Pagkatapos ninyong magpa-appointment, makakatanggap kayo ng email ng kumpirmasyon na naglalaman ng oras at petsa ng inyong appointment.
Ano ang dapat dalhin ng mga tao sa kanilang appointment sa personal para ma-renew ang kanilang Medi-Cal?
Mandy: Pakidala ang mga dokumentong ito para magkaroon ng maayos at matagumpay na appointment:
- Ang inyong packet sa pag-renew
- Ang inyong katunayan ng pagkakakilanlan (ID)
- Ang inyong katunayan ng pagiging residente ng San Francisco
- Ito ay maaaring bill ng utility, kasunduan sa pagrenta, bank statement, o kahit anong may pangalan ninyo at kasalukuyang address sa SF
- Katunayan ng kita
Magkasama nating sasagutan ang inyong packet sa pag-renew, papapirmahan namin ito sa inyo kapag kumpleto na ito, at isusumite ito online.
Simple lang pala! Napakaganda na makakahingi ng tulong ang mga miyembro ng SFHP at lahat ng residente ng SF para mapanatili ang kanilang pagsaklaw at access sa pangangalaga. May iba ka pa bang gustong ibahagi?
Mandy: Palagi kaming nalulugod na tumulong sa mga tao sa Sentro ng Serbisyo, pero may iba pang paraan para makapag-renew ang mga tao ng kanilang pagsaklaw. Halimbawa, mabilis at madaling magsumite ng inyong pag-renew online sa BenefitsCal.com.
Para malaman kung paano pa kayo makakapag-renew ng inyong pagsaklaw ng Medi-Cal, makahanap ng mga sagot sa Mga Madalas Itanong, at marami pa, bisitahin ang sfhp.org/renew.
