Karapatan Mo ang Saklaw sa Kalusugan Maaari ninyong makuha ang pangangalaga at mga serbisyong kailangan ninyo anuman ang inyong katayuan sa imigrasyon. Matuto Pa »

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Lokal na Pakikipagtulungan

Mga Lokal na Pakikipagtulungan

Misyon ng SFHP na panatilihing malusog ang mga taga-San Francisco. Nakikipagtulungan kami sa maraming partner para magawa ito.

Nakikipagtulungan kami sa Lungsod at County ng San Francisco para mabigyan ang mga miyembro ng pinakamahusay na suporta. Nakikipagtulungan din kami sa iba pang partner, gaya ng:

  • Mga Serbisyo ng County para sa Kalusugan ng Pag-uugali
  • In-Home Support Services
  • Golden Gate Regional Center
  • Mga Serbisyong Panlipunan at Kapakanan ng Bata ng County
  • Women, Infant, and Children (WIC)
2024 Pagtatasa sa Kalusugan ng Komunidad sa San Francisco

Nakikipagtulungan ang SFHP sa Departmento ng Kalusugan ng Publiko ng San Francisco upang gawin ang 2024 San Francisco Community Health Assessment (Pagtatasa sa Kalusugan ng Komunidad, CHA). Gumagamit ng data ang ulat na ito upang ilahad ang mga pangangailangan at hamon sa kalusugan sa ating lungsod.

Sinuportahan ng SFHP ang proyekto na ito sa pamamagitan ng:

  • Pagpopondo
  • Pamumuno
  • Pagbabahagi ng data

Pagtingin sa Hinaharap
Makatutulong ang mga matututuhan natin mula sa ulat na ito sa pagbubuo ng Plano sa Pagpapahusay ng Kalusugan ng Komunidad (inaasahang mailalabas sa Disyembre 2025). Makakatulong ang mga natuklasang ito sa SFHP upang makapagbigay sa inyo ng mas de-kalidad na pangangalaga.

Basahin ang buong ulat upang matuto pa tungkol sa kalusugan ng komunidad mo: Pagtatasa sa Kalusugan ng Komunidad sa San Francisco.

Memorandum ng Pagkakaunawaan

Ang SFHP ay may legal na kasunduan, na tinatawag na Memorandum ng Pagkakaunawaan (Memorandum of Understanding, MOU), sa bawat partner. Tinutulungan tayo nitong matukoy ang iba’t ibang tungkulin. Tinutulungan din tayo nitong magbahagi ng impormasyon para makapagbigay tayo ng mas mahusay na pangangalaga at mga referral.

Ang SFHP ay madalas na nakikipagkita sa aming mga partner para magbahagi ng mga resource.

San Francisco Department of Public HealthCounty Mental Health Plan (MHP) & Drug Medi-Cal Organized Delivery System (DMC-ODS)

SFHP MOU Annual Report 2025

Mga petsa ng pagpupulong:

  • Hulyo 16, 2024
  • Oktubre 15, 2024
  • Enero 21, 2025
  • Abril 15, 2025
  • Hulyo 15, 2025
×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.