1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Mamili at Makatipid gamit ang Iyong SFHP Care Plus OTC Card

Manatiling Malusog gamit ang Iyong Over-the-Counter (OTC) na Benepisyo

Sa SFHP Care Plus, awtomatikong malalagyan ng $150 ang iyong SFHP Care Plus OTC Card kada quarter (3 buwan).

Maaari mong gamitin ang iyong OTC Card para:

  • Bumili ng mga inaprubahang item para sa kalusugan tulad ng mga hindi inireresetang gamot, benda, at panggamot sa trangkaso. Tingnan ang buong catalog ng mga sinasaklaw na item sa: sfhp.org/OTC_Catalog
  • Mamili sa mga lokal at kalahok na tindahan tulad ng Costco, CVS, at Walgreens.
  • Mamili online sa andmorehealth.com. Kakailanganin mong magrehistro at gumawa ng account para makabili ng mga item na ipapadala sa bahay.

Para malaman kung anong mga produkto ang sinasaklaw at kung saan ka makakapamili, bisitahin ang aming FAQ.

Kwalipikado rin ang ilang miyembro para sa karagdagang benepisyo sa grocery at utilidad sa kanilang OTC Card. Matuto pa tungkol sa kung paano gamitin ang iyong OTC Card para sa mga pagbabayad ng mga grocery at utilidad.

Nakikipagtulungan kami sa &more para maialok ang OTC na benepisyong ito. Para makita ang iyong balanse at maghanap ng mga tindahang nasa network, magrehistro at gumawa ng account online sa andmorehealth.com. O tawagan ang &more sa 1(855) 263-6673 (TTY 711) para matuto pa.

&Ang &more Benefits Prepaid Mastercard® ay iniisyu ng Avidia Bank, alinsunod sa lisensya mula sa Mastercard Incorporated. Ang paggamit ng card na ito ay napapailalim sa mga tuntunin at kondisyon ng Kasunduan sa Cardholder


Paano Sulitin ang Iyong OTC Card

Gamitin ang mga tip na ito para sa maayos na karanasan sa pamimili gamit ang iyong OTC Card:
I-activate ang iyong card bago ka mamili.
Sundin ang mga tagubilin na nasa iyong card o tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong.
Nasa network ba ang iyong lokal na tindahan?
Tiyaking tinatanggap ng tindahang gusto mong bisitahin ang iyong OTC Card. Hindi lahat ng tindahan ay tumatanggap ng OTC Card.
Bisitahin ang aming FAQ para malaman kung paano makahanap ng tindahang malapit sa iyo na nasa network namin.
Sinasaklaw ba ang item na gusto mong bilhin?
Para malaman kung sinasaklaw ba ang isang item, maaari mong:

  • Hanapin ang isang item sa iyong catalog sa: sfhp.org/OTC_Catalog o
  • Tingnan sa “andmore” mobile app, o online sa andmorehealth.com o
  • Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong

Hindi nagro-rollover ang iyong pondo para sa mga item para sa kalusugan at kagalingan.
Tiyaking gamitin ito kada 3 buwan bago mag-expire.

Petsa ng Pag-expire ng Pondo Available na Pondo para sa susunod na Quarter
Marso 31 4/1
Hunyo 30 Hulyo 1
Setyembre 30 Nob 1
Disyembre 31 Hindi naaangkop


3 Madaling Paraan Para Mamili

Anuman ang gusto mong paraan ng pamimili, madaling gamitin ang SFHP Care Plus OTC Card online, sa mga tindahan, o sa pamamagitan ng telepono.

Sa tindahan: Maghanap ng tindahang nasa network na malapit sa iyo. Magrehistro at gumawa ng account sa andmorehealth.com, i-download ang app, o tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong.

  • Tingnan kung sinasaklaw ang item na gusto mo gamit ang app o scanner ng item.
  • I-swipe ang iyong OTC Card. Kung mas malaki ang halaga ng iyong mga item kaysa sa available na balanse sa card mo, puwede kang gumamit ng ibang anyo ng pagbabayad para mabayaran ang natitirang halaga.

Online: Magrehistro at gumawa ng account sa andmorehealth.com para makapamili online. O, i-download ang mobile app.
Magdagdag lang ng mga item nang direkta mula sa iyong catalog, mag-check out, at ipahatid ang mga ito sa iyo.

Sa pamamagitan ng telepono: Direktang tawagan ang &moresa 1(855) 263-6673 o sa 711 (TTY). Tutulungan ka nilang mag-order at titiyakin nilang ihahatid mismo sa iyong bahay ang mga item.

Karagdagang Benepisyo para sa Mga Miyembrong may Mga Hindi Gumagaling na Kondisyon

Kwalipikado rin ang ilang miyembro ng SFHP Care Plus para sa mga pondo sa grocery at utilidad sa kanilang OTC Card. Bisitahin ang aming FAQ para malaman kung paano mo magagamit ang iyong OTC Card para sa mga espesyal na benepisyong ito.
Kilala ang mga karagdagang benepisyong ito bilang Mga Espesyal na Karagdagang Benepisyo para sa may Hindi Gumagaling na Sakit (Special Supplemental Benefits for the Chronically Ill o SSBCI). Matuto pa tungkol sa programang SSBCI sa: sfhp.org/careplus-SSBCI.

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Mayroon kang 3 paraan para malaman kung nasa network namin ang isang tindahan at kung tatanggapin nito ang iyong OTC Card:

  1. Magrehistro at gumawa ng account para matingnan ito online sa: andmorehealth.com, o
  2. I-download ang app na “andmore” sa iyong telepono at gamitin ang tool sa paghahanap ng tindahan, o
  3. Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Kung gusto mo, puwede mo ring i-order ang mga item sa pamamagitan ng telepono at ipahatid ang mga ito sa bahay mo. Para mag-order ng mga item sa pamamagitan ng telepono, direktang tawagan ang &more sa: 1(855) 263-6673 (TTY 711).

Bago ka mamili, alamin kung sinasaklaw ang item na gusto mong bilhin. Mayroon kang maraming paraan para malaman kung kwalipikado ang isang item. Magagawa mong:

  • Tingnan ang catalog na ipinadala namin sa iyo sa koreo kasama ng iyong OTC Card, o tingnan ang online catalog sa: sfhp.org/OTC_Catalog, o
  • I-download ang “andmore” mobile app at gamitin ang scanner ng item, o
  • Magrehistro at gumawa ng account para matingnan ito online sa: andmorehealth.com, o
  • Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Ang ilang miyembro ng SFHP Care Plus na may mga hindi gumagaling na kondisyon ay may mga karagdagang benepisyo sa kanilang OTC Card. Kung magiging kwalipikado ka, makakatanggap ka ng $20 kada buwan para sa mga kwalipikadong utilidad, kabilang ang:

  • Tubig
  • Heating
  • Mobile phone
  • Mga serbisyo sa internet
  • Kuryente

Hindi magro-roll over sa susunod na buwan ang mga hindi nagamit na pondo. Puwede mong gamitin ang numero ng iyong OTC Card para magbayad sa pamamagitan ng website ng kumpanya ng utilidad mo, sa pamamagitan ng telepono, o nang personal.

Pakigamit ang mga tip na ito sa pagbabayad ng utilidad gamit ang iyong OTC Card:

  • Maaaring hindi ka makagawa ng paunang bayad sa website ng utilidad gamit ang iyong OTC Card. Pakitawagan nang direkta ang utilidad para sa tulong.
  • Pakitiyak na tama ang ilalagay mong numero ng OTC Card. Hindi papasok ang iyong pagbabayad kung hindi tutugma ang impormasyong ibinigay mo sa numero sa iyong card.

Kung hindi papasok ang iyong pagbabayad sa utilidad, pakitawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Ang iyong OTC Card ay awtomatikong nilalagyan ng $150 kada 3 buwan. Puwede mong gamitin ang mga pondong ito para makatipid sa mga inaprubahang item para sa kalusugan at kagalingan. Siguraduhing gamitin ang iyong pondo bago ito mag-expire.
Tingnan ang catalog na ipinadala namin sa iyo sa koreo kasama ng iyong OTC Card, o tingnan ang online catalog sa: sfhp.org/OTC_Catalog, o

Bago ka bumisita sa isang tindahan nang personal o mamili online, tiyaking nasa network namin ang tindahan. Hindi lahat ng tindahan ay tumatanggap ng OTC Card. Para makahanap ng kalahok na tindahang malapit sa iyo:

  • Magrehistro at gumawa ng account para matingnan ito online sa: andmorehealth.com, o
  • I-download ang app na “andmore” sa iyong telepono at gamitin ang tool sa paghahanap ng tindahan, o

O, tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Ang ilang miyembro ng SFHP Care Plus na may mga hindi gumagaling na kondisyon ay may mga karagdagang benepisyo sa kanilang OTC Card. Kung magiging kwalipikado ka, makakatanggap ka ng $20 kada buwan para sa mga kwalipikadong grocery para tulungan kang manatiling malusog. Hindi magro-roll over sa susunod na buwan ang mga hindi nagamit na pondo. Gamitin ang pondo mo bago ito mag-expire.

Puwede mong gamitin ang numero ng iyong OTC Card para bumili ng mga sinasaklaw na item sa grocery sa mga kalahok na tindahan. Para makahanap ng tindahang nasa network namin na malapit sa iyo:

  • Magrehistro at gumawa ng account para matingnan ito online sa: andmorehealth.com, o
  • I-download ang app na “andmore” sa iyong telepono at gamitin ang tool sa paghahanap ng tindahan, o

Para malaman kung anong mga item sa grocery ang sinasaklaw, gamitin ang app o tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Gamitin ang mga tip na ito sa pamimili sa tindahan gamit ang iyong OTC Card:

Tiyaking nasa network namin ang tindahang gusto mong bisitahin. Mayroon kang 3 paraan para malaman kung nasa network namin ang isang tindahan at kung tatanggapin nito ang iyong OTC Card:

  1. Magrehistro at gumawa ng account para matingnan ito online sa: andmorehealth.com, o
  2. I-download ang app na “andmore” sa iyong telepono at gamitin ang tool sa paghahanap ng tindahan, o
  3. Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Tiyaking sinasaklaw ang item na gusto mong bilhin. Magagawa mong:

  • Tingnan ang catalog na ipinadala namin sa iyo sa koreo kasama ng iyong OTC Card, o tingnan ang online catalog sa: sfhp.org/OTC_Catalog, o
  • I-download ang “andmore” mobile app at gamitin ang scanner ng item, o
  • Magrehistro at gumawa ng account para matingnan ito online sa: andmorehealth.com, o
  • Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Kung hindi papasok ang iyong pagbabayad, pakitawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Sa ilang sitwasyon, maaari kaming magbigay ng refund.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.