Libre at Walang Stress na Transportasyon sa SFHP Care Plus
Narito kami para tulungan kang makakuha ng mga nasa oras at maaasahang sasakyan kung kailan mo pinakakailangan ang mga ito.
- Mga pagpapatingin para sa kalusugan para sa pangangalagang medikal, para sa ngipin, para sa kalusugan ng pag-iisip, at para sa paggamit ng substance
- Mga pagbisita sa parmasya para kumuha ng mga medikal na supply o inireresetang gamot
Mayroon ka bang hindi gumagaling na kondisyon?
Maaari kang maging kwalipikado para sa karagdagang serbisyo kabilang ang transportasyon sa mga lokasyong hindi pangkalusugan.
Para matuto pa tungkol sa mga benepisyo para sa mga miyembrong may mga hindi gumagaling na isyu sa kalusugan, bumisita sa
Mga miyembrong may malulubhang kondisyon (SSBCI)
Humiling ng Sasakyan sa Loob lang ng Ilang Minuto sa Modivcare App
Isang pag-tap lang ang susunod mong pagsakay! Makatipid ng oras at hindi na ma-stress sa pamamagitan ng paghiling ng iyong masasakyan sa Modivcare App.
Sa Modivacare App, mabilis at simple lang ang paghiling ng transportasyon mula sa telepono mo:
- Humiling at mamahala ng iyong sasakyan
- Live na subaybayan ang iyong sasakyan sa isang mapa
- Baguhin o kanselahin ang iyong sasakyan nang hindi tumatawag sa Modivcare
- Makipag-ugnayan sa iyong driver at makakuha ng mga update
- Tingnan ang mga paparating na biyahe at history ng pagsakay
Madali rin para sa mga miyembro ng pamilya at caregiver na humiling ng mga sasakyan para sa mga miyembro.
3 Madaling Hakbang para Gamitin ang App
- I-download ang app mula sa App Store o Google Play sa pamamagitan ng paghahanap sa “Modivcare.” Available ang Modivcare App sa mga sumusunod na wika: English, Spanish, Russian, Mandarin, Cantonese, at Polish.
- Gumawa ng iyong account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong pangalan, email, at numero ng mobile. Pagkatapos, mag-verify gamit ang code na ipinadala sa telepono mo.
- Magtakda ng iyong password at mag-log in para masimulan ang pag-iskedyul at pamamahala ng mga sasakyan.
Puwede ka ring magparehistro at humiling ng iyong sasakyan online sa mymodivcare.com.
Manood sa library ng tutorial na video ng Modivcarepara matuto pa at makita kung paano ito gumagana.
Ano ang Transportasyong Sinasaklaw?
Sinasaklaw ng SFHP Care Plus ang dalawang uri ng transportasyon papunta sa mga pagpapatingin para sa kalusugan:
Hindi Pang-emergency na Medikal na Transportasyon (NEMT)
Gumagamit ang NEMT ng ambulansya, gurney/litter van, wheelchair van, o sasakyang panghimpapawid.
Para sa iyo ang NEMT kung:
- Hindi ka makagamit ng pampublikong transportasyon para makapunta sa mga saklaw na serbisyong pangkalusugan
- Kailangan mo ng suporta para makasakay at makababa ng sasakyan
- Kailangan mo ng medikal na pangangasiwa habang nasa biyahe
Para sa NEMT, dapat magreseta ang iyong doktor ng uri ng transportasyong kailangan mo bago ka humiling ng sasakyan. Maa-access ng iyong doktor ang form ng Pahayag ng Pagpapatunay ng Doktor (PCS):
- Nang Online sa sfhp.org
- Sa pamamagitan ng pagtawag sa Linya ng Transportasyon ng SFHP sa 1(415) 547-7807
- Sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected]
Hindi Medikal na Transportasyon (NMT)
Gumagamit ang NMT ng kotse, taxi, bus, o iba pang sasakyan para maihatid ka sa iyong pagpapatingin para sa kalusugan.
Para sa iyo ang NMT kung:
- Wala kang ibang paraan para makapunta sa mga saklaw na serbisyong pangkalusugan
- Hindi mo kailangan ng medikal na pangangasiwa o suporta mula sa driver
Para sa NMT, hindi mo kailangan ng reseta, at hindi kailangang punan ng iyong doktor ang isang form.
Mahalaga: Para matiyak na maiiskedyul sa tamang oras ang sasakyan mo, pakitandaang dapat hilingin ang NEMT sa loob ng hindi bababa sa limang (5) araw ng trabaho bago ang appointment mo. Dapat hilingin ang NMT sa loob nang hindi bababa sa sampung (10) araw ng trabaho nang maaga. Hindi ka puwedeng humiling sa Modivcare App ng sasakyan sa parehong araw ng paghiling o nang malapit na sa oras ng lakad. Para sa mga agarang kahilingan, tumawag sa Modivcare sa 1(855) 251-7098.
Hindi pa rin sigurado kung kailangan mo ng NEMT o NMT?
Makipag-usap sa iyong provider o basahin ang aming Mga Madalas Itanong para malaman kung anong antas ng serbisyo ang maaaring naaangkop sa iyo:
Sino ang Tatawagan para sa Mga Tanong at Suporta
Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng tulong sa paghiling ng sasakyan, tumawag sa Modivcare sa 1(855) 251-7098, Lunes–Biyernes, mula 8:30am–5:30pm.
Para sa mga tanong tungkol sa iyong mga benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.
Kailangan ng Tulong sa Iyong Telepono o Computer?
Gustong matuto pa tungkol sa paggamit ng iyong telepono, tablet, o computer? Maraming programa sa San Francisco na makakatulong. Tingnan ang mga grupo sa ibaba para makahanap ng mga workshop tungkol sa tech, suporta, at higit pa.
- Nag-aalok ang SF Connected ng mga klase at workshop tungkol sa tech para sa mga mas nakatatanda. Nag-aalok sila ng mga klase sa English, Chinese, Spanish, Russian, at Vietnamese. Bisitahin ang kanilang website o tumawag sa 1(415) 355-6700 para matuto pa.
- Makakatulong sa iyo ang Community Living Campaign na bumuo ng mga kasanayan sa paggamit ng iyong telepono at iba pang device. Nag-aalok sila ng mga personal at online na klase sa pamamagitan ng Neighborhood Tech Connect. Ang kanilang klase ay nasa English, Chinese at Spanish.
- Nag-aalok ang Curry Senior Center ng suporta sa tech at pagsasanay sa mga digital na kasanayan. Nag-aalok sila ng tulong sa English, Cantonese, at Vietnamese.
- Nag-aalok ang Felton Tech Squad ng one-on-one at panggrupong pagsasanay ng mga kasanayan sa tech. Pumunta sa kanilang website o tumawag sal 1(415) 474-1558 para matuto pa.
- Nag-aalok ang Self Help for the Elderly ng mga libreng workshop at pagsasanay ng mga kasanayan sa tech sa pamamagitan ng SF Connected. Bisitahin ang kanilang website o tumawag sa 1(415) 781-9919 para matuto pa.
Mga Madalas Itanong (FAQ)
Nagbibigay ang SFHP Care Plus ng mga serbisyong Hindi Pang-emergency na Medikal na Transportasyon (NEMT) at Hindi Medikal na Transportasyon (NMT) para sa iyong mga saklaw na pagpapatingin para sa kalusugan.
Makakapagbigay ang NEMT ng higit pang suporta, tulad ng tulong sa pagsakay at pagbaba ng sasakyan at medikal na pangangasiwa. Kinakailangan sa NEMT ang reseta mula sa iyong doktor na tinatawag na Pahayag ng Pagpapatunay ng Doktor (PCS) bago ka makapagpaiskedyul ng masasakyan papunta sa iyong pagpapatingin para sa kalusugan.
Makakatulong ang NMT kung wala kang ibang paraan para makapunta sa mga pagpapatingin para sa kalusugan, pero hindi mo kailangan ng medikal na suporta. Hindi kailangan ng PCS sa NMT.
Alamin pa ang tungkol sa mga uri ng transportasyong iniaalok namin at kung kailangan mo ng PCS form:
NEMT: Ambulansya
Kung kailangan mo ng espesyal na medikal na suporta habang nasa biyahe, para sa iyo ang serbisyong ito. Kabilang sa transportasyon sa antas ng ambulansya ang:
- Mga paglipat sa pagitan ng mga medikal na pasilidad kung saan kailangan mo ng tuloy-tuloy na IV medication, pagsubaybay sa kalusugan, o pag-oobserba.
- Paglipat mula sa isang ospital para sa acute care papunta sa iba.
- Transportasyon kung nagsimula ka ng oxygen therapy kamakailan, at hindi ligtas na bumiyahe ka nang walang pangangasiwa. (Tandaan: Hindi ito nalalapat kung madalas kang gumagamit ng oxygen at kaya mo itong dalhin nang ligtas).
- Transportasyon kapag mayroon kang mga hindi gumagaling na kundisyon, kailangan mo ng oxygen, at kailangan mo ng pagsubaybay sa kalusugan habang nasa biyahe.
✓ Oo, kailangan ng PCS form.
NEMT: Wheelchair Van
Kung kailangan mo ng wheelchair o tulong sa pagpunta sa iyong tahanan, sasakyan, at sa destinasyon mo, para sa iyo ang serbisyong ito.
Ang uri ng transportasyong ito ay para rin sa mga ambulatory na miyembro na nangangailangan ng suporta o pangangasiwa sa pagpasok o paglabas sa gusali. Kabilang dito ang mga taong may dementia, o mga taong maaaring nanghihina pagkatapos ng paggamot na tulad ng dialysis. Kung klinikal na kinakailangan, puwedeng ireseta ng provider mo ang wheelchair van na antas ng serbisyo (o mas mataas na antas ng transportasyon) para matiyak na ligtas at kumportable ka habang nasa biyahe.
✓ Oo, kailangan ng PCS form.
NEMT: Stretcher/Gurney
Puwede kang gumamit ng transportasyong may stretcher (gurney) kapag inireseta ito ng iyong doktor. Kung hindi ka makaupo nang maayos habang nasa biyahe, tumutulong ang serbisyong ito na mapanatili kang ligtas at kumportable. Gayundin, kung may lima o higit pang baitang sa iyong tahanan o klinika at walang ramp dito, ihahatid ka nang nakahiga sa isang stretcher. Tumutulong itong maiwasan ang pinsala at manatili kang ligtas habang nasa biyahe.
✓ Oo, kailangan ng PCS form.
NMT: Ambulatory na Door-to-Door
Kung naglalakad ka nang may tungkod, walker, o kailangan mo ng kaunting tulong mula sa driver, para sa iyo ang serbisyong ito. Ligtas kang aalalayan ng driver mula sa iyong pintuan hanggang sa sasakyan, at mula sa sasakyan papunta sa lokasyon ng appointment mo. Mangyaring maging handa na sa oras ng pagsundo sa iyo at ipaalam sa driver kung kailangan mo ng karagdagang suporta.
X Hindi kailangan ng PCS form.
NMT: Ambulatory na Curb-to-Curb
Kung kaya mong maglakad nang mag-isa at hindi mo kailangan ng tulong mula sa iyong driver, para sa iyo ang serbisyong ito. Susunduin at ihahatid ka ng driver sa harap ng bakuran mo, at hindi sa mismong pintuan mo. Para sa pinakamahusay at pinakamaayos na biyahe, mangyaring magbigay ng matatawagang numero ng telepono kung saan maaaring makausap ka bago ang iyong biyahe at habang nasa biyahe ka. Dagdag pa rito, maging handa sa curb limang (5) minuto bago ang iyong nakaiskedyul na oras ng pag-pickup.
X Hindi kailangan ng PCS form.
Magagawa ng miyembro ng SFHP Care Plus, miyembro ng pamilya, coordinator sa pangangalaga, tagapag-alaga, o miyembro ng staff ng medikal na pasilidad ang alinman sa paggamit ng Modivcare App o pagtawag sa Modivcare sa
Ang Modivcare ang magpapasya sa oras ng pagsundo sa iyo batay sa kung gaano katagal ang aabutin para makapunta sa iyong pagpapatingin.
Maging handa sa iyong pagsakay sa loob ng hindi bababa sa 15 minuto bago ang nakatakdang oras ng pagsundo. Ang mga driver ay maghihintay lamang ng 5 minutong lampas sa iyong nakatakdang oras ng pagsundo, kaya mangyaring maging handa kapag dumating na ang iyong sasakyan.
Kung hindi ka nagplano ng nakatakdang oras ng pagsundo pagkatapos ng iyong pagpapatingin, tumawag sa “Nasaan na ang Sundo Ko?” sa
Makakuha ng mga update sa iyong sasakyan o makipag-ugnayan sa iyong driver sa Modivcare App. O, puwede kang tumawag sa “Nasaan na ang Sundo Ko?” sa
Gamitin ang Modivcare App para mabilis na mabago o makansela ang iyong sasakyan. O, tumawag sa Modivcare sa
Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng Modivcare sa
Kung may lima o higit pang baitang at walang ramp sa tahanan o klinika mo, ihahatid ka gamit ang stretcher/gurney para mapanatili kang ligtas at maiwasan na masaktan ka.
Kung nag-ayos at nagbayad ka ng transportasyon dahil sa pagpalya ng transportasyon ng Modivcare, maaaring maibalik sa iyo ang pera. Mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para iulat na nagbayad ka mula sa sariling bulsa at isumite ang patunay ng pagbabayad sa loob ng 30 araw.
Mga Tip para sa Maayos na Pag-iiskedyul
Kapag humihiling ng iyong sasakyan, pakitandaan ang mga tip na ito.
- Oras ng Pag-drop Off: Dapat ma-drop off ng mga driver ang mga miyembro nang hindi bababa sa 15 minuto bago ang kanilang nakatakdang pagbisita. Halimbawa, kung ang pagbisita ay 10:00am, dapat na-drop off ka na nang hindi lalampas sa 9:45am. Kukumpirmahin ng Modivcare o SFHP Care Plus ang oras ng pagsundo sa iyo batay sa kung gaano katagal ang aabutin ang para makapunta sa iyong pagpapatingin. Mangyaring maging handa para sa oras ng pagsundo sa iyo.
- Kasama o Attendant para sa Personal na Pangangalaga: Kung kinakailangan, maaari kang samahan ng isang tao sa iyong pagpapatingin. Kapag nag-iiskedyul ng iyong pagpapatingin, ipaalam sa Modivcare o SFHP Care Plus na may sasama sa iyo.