Mahalagang Update: SFHP xin thông báo cho hội viên biết những tin tức mới nhất về việc chia sẻ dữ liệu liên bang liên quan đến thông tin hội viên Medi-Cal ở California. Matuto Pa..

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Narito ang SFHP para sa Iyo

Pumunta sa:  

Ang Aming Paninindigan sa Iyo

Sa San Francisco Health Plan (SFHP), misyon namin ang pagbibigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa San Francisco nang may dignidad at transparency.

Nakatuon ang SFHP sa pangangalaga sa karapatang makatanggap ng pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng aming miyembro, kabilang ang mga hindi dokumentadong miyembro. Labis namin sineseryoso ang kalusugan at pagkapribado ng aming mga miyembro.

Isang santuwaryong lungsod ang San Francisco, ibig sabihin, hindi nakikipagtulungan SFHP sa mga pederal na opisyal ng imigrasyon maliban na lamang kung ipinag-uutos ito ng batas. Sa ganitong mahirap na panahon, nakikipagtulungan kami sa iba pang lokal na planong pangkalusugan at mga organisasyon para mapanatili ang karapatan mo at ng pamilya mo sa serbisyong pangkalusugan.

Medi-Calpara sa Mga Hindi Dokumentadong Residente: Alamin ang Mga Karapatan Mo

Alam namin na maaaring may mga tanong o alalahanin ka tungkol sa iyong saklaw ng Medi-Cal sa panahong ito. Matuto pa tungkol sa karapatan mo sa pangangalagang pangkalusugan, mga karaniwang tanong tungkol sa Medi-Cal, at kung paano makakatulong sa iyo ang SFHP na makuha ang pangangalagang kailangan mo.

Ikinalulungkot naming marinig iyan. Isang santuwaryong estado ang California at ang San Francisco ay isang santuwaryong lungsod. Maaari pa rin kayong pumunta sa doktor at kumuha ng pangangalagang kailangan ninyo. May mga opsyon ang SFHP para tulungan kang makakuha ng pangangalaga online o sa pamamagitan ng telepono.

Hindi namin ginagawa ito, maliban kung iniaatas ng batas. Isang santuwaryong estado ang California at ang San Francisco ay isang santuwaryong lungsod. Nangangahulugan ito na nililimitahan namin ang aming pakikipagtulungan sa pederal na tagapagpatupad ng imigrasyon. Isang halimbawa ng kung kailan kami maaatasang makipagtulungan ay kung makatanggap kami ng isang kahilingan (warrant) mula sa mga pederal na hukuman na nilagdaan ng isang hukom.

Ang California ay isang santuwaryong estado at ang San Francisco ay isang santuwaryong lungsod. Nakikipagtulungan lang kami kapag iniaatas ng pederal na batas. Isang halimbawa ng kung kailan kami maaatasang makipagtulungan ay kung makatanggap kami ng isang kahilingan (warrant) mula sa mga pederal na hukuman na nilagdaan ng isang hukom.

Nauunawaan namin ang mga alalahanin mo. Sa ngayon, maaari kayong mag-sign up para sa Medi-Cal at makukuha ninyo ang pangangalaga at mga serbisyong kailangan ninyo anuman ang inyong katayuan sa imigrasyon. Sa ngayon, HINDI makakaapekto ang pag-sign up para sa Medi-Cal sa iyong katayuan bilang public charge, maliban kung tumatanggap ka ng pangangalaga sa tahanan ng pag-aaruga (Nursing home) o ibang pang pangmatagalang pangangalaga sa mga institusyon.

Hindi sila sisingilin. Maaari ninyong makuha ang pangangalagang kailangan ninyo anuman ang inyong katayuan sa imigrasyon.

Masaya kaming nasisiyahan ka sa Healthy San Francisco, ngunit pakitandaan na hindi ito isang insurance sa kalusugan. Tinutulungan ka ng insurance sa kalusugan na makakuha ng mas maraming serbisyo. Sinasaklaw ng Medi-Cal ang pangangalagang pang-iwas sa sakit, mga taunang check-up, mga inireresetang gamot, mga serbisyo sa kalusugan ng isip, pangangalaga sa bahay, at kahit mga serbisyo sa transportasyon papunta sa inyong mga medikal na appointment. Sa ngayon, maaari na ngayong mag-sign up ang lahat ng residente ng California para sa Medi-Cal anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon.

Kwalipikado Ba Ako para sa Medi-Cal?

Maaaring makakuha ang buo mong pamilya ng Medi-Cal.

Kasalukuyang Mga Kinakailangan para sa Medi-Cal:

  • Ang mga nasa hustong gulang na nasa pagitan ng edad na 26 hanggang 49 ay maaaring makakuha ng Medi-Cal.
  • Makakakuha ng Medi-Cal ang mga imigrante anuman ang kanilang legal na katayuan.
  • Kapag nag-enrol ka sa Medi-Cal, hindi hihilingin sa iyo na magbigay ng impormasyon sa asset bilang bahagi ng mga kinakailangan sa kita.

Kailangan ng tulong sa pag-enrol sa Medi-Cal?

Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.

Matutulungan ka rin ng team ng Sentro ng Serbisyo ng SFHP sa pag-enrol sa Medi-Cal, at ibang programang pangkalusugan na tama para sa iyo. Bumisita sa sfhp.org/service-center para matuto nang higit pa at magpa-appointment. Matutulungan kayo ng team ng Sentro ng Serbisyo nang personal, o sa pamamagitan ng telepono.

Sinasalita ng SFHP ang Wika Mo

Paglilingkuran ka namin sa paraang iginagalang ka, ang iyong kultura, at ang iyong wika.

Maaaring magbigay ang SFHP ng de-kalidad na pangangalaga sa wika na iyong pinili.

Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan upang mas mapaglingkuran ka namin:

  • Nagsasalita ng maraming wika ang mga doktor na nasa network mo.
  • Maaari kang humiling ng Kwalipikadong Interpreter ng Kalusugan sa mga appointment mo.
  • Available ang mga materyales ng impormasyon ng SFHP sa mga sumusunod na wika nang walang bayad: Ingles, Spanish, Chinese, Vietnamese, Russian, at Tagalog .

Alamin ang higit pa sa Mga Serbisyo ng Interpreterng SFHP »

Ano ang Iyong Makukuha sa SFHP

Sa SFHP, magkakaroon ka ng maraming pagpipilian na mga doktor, ospital, at klinika.

Sinasaklaw ng SFHP ang mga serbisyong pangkalusugan at benepisyo kabilang ang:

  • Medikal na pangangalaga
  • Pangangalagang pangkalusugan para sa pag-iisip at pag-uugali
  • Pagpaplano ng pamilya at pangangalaga sa maternity
  • Ngipin at paningin (salamin sa mata)
  • Suporta ng Doula sa pagbubuntis
  • Pangangalaga at suporta sa loob ng bahay
  • X-ray at mga serbisyo sa laboratoryo
  • Mga serbisyo ng terapiyang pangkatawan at occupational

Matuto pa tungkol sa Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo ng SFHP »

Mga Miyembro ng Medi-Cal: Makakuha ng 24/7 na Pangangalaga, Online o Sa Pamamagitan ng Telepono

Makakakuha pa rin kayo at ang pamilya ninyo ng pangangalagang pangkalusugan na kailangan ninyo. Kung hindi kayo komportableng bumisita nang personal sa inyong doktor o provider, narito ang SFHP para sa inyo.

  • Teladoc: Maaari kang makakuha ng pangangalaga at makipag-usap sa isang doktor gamit ang iyong telepono, smartphone app, o computer gamit ang aming libreng serbisyo ng telehealth, ang Teladoc. Available 24/7, pitong araw sa isang linggo ang Teladoc. Matuto nang higit pa ang tungkol sa mga pagpapatingin sa telehealth sa sfhp.org/Teladoc.
  • Linya para sa Payo ng Nurse: Kung hindi ka pwedeng makipag-usap sa doctor mo nang personal o gusto mo ng tulong para bumuti ang pakiramdam sa bahay, maaari kang makipag-usap sa isang nars 24/7 sa pamamagitan ng paggamit ng Linya para sa Payo ng Nurse ng SFHP. Tumawag sa 1(877) 977-3397.
  • Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa mga benepisyo ng miyembro o kung paano makuha ang pangangalagang kailangan mo, makakatulong ang Serbisyo sa Customer ng SFHP. Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.

Mga Mapagkukunan at Suporta para sa Aming Hindi Dokumentadong Komunidad

May karapatan ang lahat ng tao sa Estados Unidos, mamamayan man sila o hindi. Maraming organisasyon sa San Francisco ang maaaring makatulong sa iyo na maunawaan ang iyong mga karapatan, maghanap ng legal na tulong, at makakuha ng mga libre hanggang sa murang serbisyo sa imigrasyon. Gamitin ang listahan sa ibaba para maghanap ng suporta.

Organisasyon Mga serbisyo Link
OCEIA (Opisina ng Sibikong Pakikipag-ugnayan at Mga Usapin ng Imigrante (Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs) ng SF) Legal na suporta, pag-renew ng DACA, mga workshop sa pagkamamamayan at higit pa   Tingnan
Sentro ng Mapagkukunan ng Central America (Central American Resource Center) (CARECEN SF) Legal na suporta, mga pagsasanay para alamin ang iyong mga karapatan, mga serbisyong pampamilya, kalusugan at kagalingan   Tingnan
La Raza CRC Legal na suporta, muling pagsasama-sama ng pamilya, mga serbisyong pampamilya, at higit pa   Tingnan
La Raza Centro Legal Asylum, depensa sa deportasyon, mga karapatan ng mga manggagawa, mga legal na serbisyo at pagtataguyod   Tingnan
CA Immigrant Policy Center Hub ng impormasyon na may mga mapagkukunan, pulang card, at higit pa   Tingnan
Hub ng Impormasyon sa Imigrante ng California Impormasyon sa imigrasyon, suportang legal, at mga mapagkukunan ng kalusugan ng pag-iisip para sa mga bata at pamilya   View
The Women’s Building Legal na suporta, mga pagsasanay para alamin ang iyong mga karapatan, pantry ng pagkain, at higit pa   Tingnan
Latino Task Force Mga pantry ng pagkain, mga mapagkukunan sa kalusugan, suporta sa pabahay, at higit pa   Tingnan
Listahan ng mga Serbisyong Legal Maghanap ng listahan ng mga kwalipikadong nonprofit na nag-aalok ng imigrasyon at legal na suporta sa California   View
PODER SF Edukasyon sa mga karapatan ng imigrante, hub ng impormasyon, mga workshop sa komunidad   Tingnan
San Francisco Immigrant Legal and Education Network (SFILEN) Network ng 12 organisasyon na sumusuporta sa mga imigrante. Legal na suporta. Nagpapatakbo sa Network ng Mabilisang Pagtugon ng SF sa SFILDC

24 na Oras na Hotline ng Mabilisang Pagtugon para sa Aktibidad ng ICE: 1(415) 200-1548

  Tingnan
San Francisco Immigrant Legal Defense Collaborative (SFILDC) Mga abugado ng mabilisang pagtugon, legal na tulong, pagsasanay at edukasyon   Tingnan
Social Justice Collaborative Depensa sa deportasyon, depensa ng walang kasamang menor de edad, at iba pang legal na suporta   Tingnan

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.