Skip to main content
1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Pagbabago sa Medi-Cal Batay sa Katayuan sa Imigrasyon

May bagong pederal na tuntunin na nagbabago sa paraan ng pagkuha ng ilang miyembro ng Medi-Cal batay sa kanilang katayuan sa imigrasyon. Simula Enero 1, 2027, ang mga miyembrong ito ay makakakuha ng Medi-Cal sa pamamagitan ng Fee-for-Service (FFS) sa halip na sa pamamagitan ng isang planong pangkalusugan tulad ng San Francisco Health Plan (SFHP).

Kung maaapektuhan ka nito, hindi mawawala ang iyong Medi-Cal. Ang Fee-for-Service (FFS) ay hindi nangangahulugang kailangan mong magbayad para sa mga saklaw na serbisyo. Sa pagbabagong ito, hindi na magiging SFHP ang iyong planong pangkalusugan, pero patuloy pa ring babayaran ng Medi-Cal ang iyong pangangalaga.

Sino ang maaapektuhan ng pagbabagong ito

Nalalapat ang pagbabagong ito sa mga miyembro ng Medi-Cal na:

  • Hindi dokumentado
  • Mga may hawak ng green card (mga legal na permanenteng residente) na kailangang maghintay nang limang taon para sa kumpletong Medi-Cal
  • Pinayagang manirahan sa U.S. pero walang opisyal na katayuan sa imigrasyon (PRUCOL)

Hindi sigurado kung nalalapat ito sa iyo? Bisitahin ang Katayuan sa Imigrasyon at mga Pagbabago sa Medi-Cal para matuto pa.

Mga pagbabago sa pangangalaga simula Enero 1, 2027

Kung nalalapat ang pagbabagong ito sa iyo, narito ang magbabago:

  • Ililipat ka sa Medi-Cal Fee-for-Service mula sa SFHP. Nangangahulugan itong hindi ka na magiging miyembro ng Medi-Cal ng SFHP.
  • Maaari kang magpatingin sa sinumang doktor o klinika na tumatanggap ng Medi-Cal Fee-for-Service. Karamihan sa mga provider ng SFHP ay tatanggap ng Medi-Cal Fee-for-Service. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng iyong doktor para kumpirmahin o tingnan online.
  • Puwede ka pa ring makakuha ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip tulad ng therapy, pagpapayo, at mga konsultasyon tungkol sa gamot sa pamamagitan ng Medi-Cal Fee-for-Service.
  • Mananatiling saklaw ang iyong mga gamot sa pamamagitan ng Medi-Cal Rx.
  • Hindi magbabago ang pangangalaga sa iyong ngipin.
  • Kung tumatanggap ang iyong anak ng CCS (California Children’s Services), magpapatuloy ang mga serbisyong iyon.

Mahalagang Paalala: Alamin kung tumatanggap ang iyong doktor ng Medi-Cal Fee-for-Service

Kung nalalapat sa iyo ang pagbabagong ito, mahalaga ring malaman kung tumatanggap ang iyong doktor nf Medi-Cal Fee-for-Service bago ang Enero 1, 2027. Narito ang 3 paraan para alamin:

  • Tumawag sa tanggapan ng iyong doktor. Itanong ang: “Tumatanggap ba kayo ng Medi-Cal Fee-for-Service?”
    • Kung oo, puwede kang patuloy na magpatingin sa kanila.
    • Kung hindi, kakailanganin mong humanap ng bagong doktor o klinika na tumatanggap ng Fee-for-Service.
  • Maghanap online. Gamitin ang tool na Maghanap ng mga Doktor at Serbisyo para alamin kung tumatanggap ang iyong doktor o maghanap ng panibago. Puwede kang maghanap ayon sa lokasyon, uri ng provider, o espesyalidad.
  • Tumawag sa Helpline ng Medi-Cal sa 1(800) 541-5555. Bukas sila mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am hanggang 5:00pm Pacific Time.

Ano ang dapat gawin ngayon

Gawin ang mga hakbang na ito para masigurong tuloy-tuloy ang iyong pangangalaga.

  1. Panatilihing updated ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Matutulungan nito ang Medi-Cal na mabigyan ka ng mahahalagang update.
  2. Alamin kung tumatanggap ang iyong doktor ng Medi-Cal Fee-for-Service.
  3. Gamitin ang iyong Medi-Cal (BIC) card.
    • Ito ang card na gagamitin mo para sa Medi-Cal Fee-for-Service.
    • Dalhin ito sa lahat ng medikal at pangangalaga sa ngipin na pagpapatingin, at pagpunta sa parmasya.
    • Mawawalan na ng bisa ang iyong SFHP card simula Enero 1, 2027.
    • Kailangan ng bagong BIC card? Makipag-ugnayan sa tanggapan ng Medi-Cal ng county o humiling nito sa BenefitsCal.com.
  4. Bantayan ang iyong koreo. Buksan kaagad ang mga liham ng Medi-Cal at mabilis na tumugon. Kung maaapektuhan ka ng pagbabagong ito, padadalhan ka ng DHCS ng liham tungkol sa kung anong epekto nito sa iyong coverage.
  5. I-renew ang iyong Medi-Cal sa tamang oras para manatili kang saklaw.

Mga karagdagang sanggunian

Matuto tungkol sa pagbabago

Maghanap ng pangangalaga at humingi ng tulong

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.