Hunyo ang Buwan ng Kaalaman sa Kalusugan ng Kalalakihan Ngayon na ang oras upang pangunahan ang kalusugan mo. Tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) at magpa-appointment. Ang PCP ay ang iyong pangunahing doktor para sa pangangalagang pangkalusugan mo. Magpaiskedyul ng iyong mga pagpapatingin ng kalusugan ngayon.

5 bagay na dapat pag-usapan sa iyong PCP tungkol:

1. Screening para sa Prostate Cancer

Ang prostate cancer ay kapag ang mga selula sa prostate ay tumutubo nang masyadong mabilis. Ang prostate ay isang bahagi ng reproductive system ng kalalakihan Kung maaga madidiskubre ang kanser, mas madali itong gamutin.

Kailan ninyo dapat simulang pag-usapan ang pagsusuri para sa prostate cancer?

  • Kalalakihang may edad 55 hanggang 69: Maaari kang makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa pagsusuri. Maaari nilang ipaliwanag sa iyo ang mga benepisyo at panganib ng pagsusuri upang makagawa ka ng matalinong desisyon.
  • Kalalakihang may edad 40 at 54: Kung may kasaysayan ng prostate cancer sa inyong pamilya, pag-usapan ang posibilidad ng pagpapasuri nang mas maaga. May posibilidad na mas mataas ang panganib ng mga Black at African American.

Ano ang itsura ng pagsusuri?

Ang iyong PCP ay magsasagawa ng pagsusuri para sa prostate-specific antigen (PSA) sa dugo mo.

2. Screening ng Kanser sa Baga

Ang kanser sa baga ang pangalawang pinakakaraniwang kanser sa kalalakihan.

Sino ang dapat na magpasuri:

  • Kung ikaw ay may edad na 50 hanggang 80, AT
  • Naninigarilyo ng isang pakete ng sigarilyo araw-araw sa loob ng 20 taon, AT
  • isang kasalukuyang naninigarilyo o tumigil na sa nagdaang 15 taon.

Mga senyales ng kanser sa baga:

  • Ubo na hindi nawawala
  • Pag-ubo ng dugo
  • Pananakit ng dibdib
  • Garalgal na boses
  • Mas mababang pagkagutom
  • Pagbaba ng timbang
  • Nahihirapang huminga
  • Nakakaramdam ka ng pagkapagod o panghihina
  • Mga impeksyon na hindi gumagaling

Gusto mo ba ng tulong sa pagtigil sa paninigarilyo?

Maaari kang makakuha ng nicotine gum o mga patch nang walang bayad. Makipag-usap sa iyong PCP para matuto pa.

3. Screening sa Colorectal (Colon) Cancer

Colon cancer often starts as a small clump of cells called polyps. Finding them early can save your life!Madalas na nagsisimula ang kanser sa malaking bituka sa isang maliit na kumpol ng mga selula na tinatawag na polyps. Ang maagang pagtuklas sa mga ito ay maaaring magligtas ng iyong buhay!

Kailan ka dapat magsimulang magpatingin?

  • Edad 45 kung ikaw ay nasa average na panganib (walang kasaysayan sa pamilya ng mga problema sa colon)
  • Mga paraan upang makapagpasuri:

    • Magpadala ng sample ng dumi sa isang lab; o
    • Isang doktor na titingin sa loob ng iyong colon gamit ang isang maliit na camera, isang pamamaraan na tinatawag na colonoscopy
  • Makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa pagsusuri na pinakamainam para sa iyo.

Tandaan: Ang mga tao na may edad na higit 85 ay hindi na sinusuri.

Alamin ang higit pa kung paano iwasan ang kanser sa malaking bituka at kung paano makakuha ng $50 gift card para sa pagpapasuri rito.

4. Rutinang pagsusuri ng dugo

Ipasuri ang dugo mo upang makatulong na mahanap nang maaga ang mga problema tulad ng diabetes o sakit sa puso.

Dapat na magpasuri ng dugo ang lahat ng tao isang beses sa isang taon. Lalo na kung mayroon kang kasaysayan ng pamilya ng mga problema sa kalusugan.

Maaaring i-order ng PCP mo ang pagsusuri ng dugo para sa iyo.

5. Huwag mong kalimutan ang iyong kalusugan ng pag-iisip!

Maglaan ng sandali upang suriin ang nararamdaman mo. Maaaring kailanganin mo ng karagdagang tulong kung:

  • Nakakaramdam ka ng stress
  • Nalulungkot
  • Nagkakaroon ng problema sa pag-inom ng alok o paggamit ng droga
  • Nagkakaroon ng problema sa mga relasyon

Hindi mo kailangan ng referral para makakuha ng tulong sa kalusugan ng pag-iisip. Tumawag sa Carelon Behavioral Health para alamin ang higit pa. Magpa-appointment sa 1(855) 371-8117 o carelonbehavioralhealth.com.

Mga Serbisyong Sensitibong Pangangalaga para sa nasa Hustong Gulang

Kung ikaw ay edad 18 o higit pa, maaari kang pumili ng ibang doktor para sa sensitibo o pribadong pangangalaga tulad ng:

  • Pangangalaga pagkatapos ng sekswal na pang-aabuso
  • Pagsusuri at paggamot para sa HIV
  • Pangangalaga sa kalusugang sekswal

Alamin ang higit pa tungkol sa sensitibong pangangalaga sa iyong Handbook ng Miyembro ng SFHP.

Kumilos ngayong buwan upang manatiling malusog

Alagaan ang sarili mo ngayong Buwan ng Kaalaman sa Kalusugan ng Kalalakihan.

Magpa-appointment sa PCP mo ngayon. Hanapin ang numero ng telepono ng iyong PCP sa iyong SFHP ID card. O tumawag sa San Francisco Health Plan sa 1(800) 288-5555 kung kailangan mo ng tulong.

Makipag-usap sa mga kaibigan at pamilya mo tungkol sa kanilang kalusugan. Ang pagbabahagi tungkol sa iyong kalusugan ay nakatutulong para mas madali ring makipag-usap ang iba sa kanilang PCP.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.