Ang mahinang kalusugan ng bibig ay maaaring humantong sa sakit, problema sa paaralan o trabaho, at maaaring humantong pa sa mga malubhang problema sa kalusugan. Minsan ang isang sakit sa bibig ay maaaring hindi magdulot ng anumang sakit o mga palatandaan na maaari mong makita hanggang sa maging malubha na ang sakit. Ang pagsasanay ng pangunahing pangangalaga sa ngipin sa bahay at pagkakaroon ng mga regular na pagpapatingin ng ngipin ay maaaring makaprotekta sa iyo at makapanatili sa iyong maging malusog.

Ano ang Magagawa Ko para Maiwasan ang Mga Problema sa Ngipin?

  • Magsipilyo ng iyong ngipin dalawang beses sa isang araw, at mag-floss nang hindi bababa sa isang beses sa isang araw.
  • Palitan ang iyong toothbrush tuwing 3 hanggang 4 na buwan.
  • Pumili ng toothbrush na may malambot na bristles.
  • Gumamit ng fluoride na toothpaste.
  • Sundin ang mga tagubilin ng iyong dentista sa kung paano magsipilyo ng iyong ngipin.
  • Pumunta sa lahat ng iyong regular na pagpapatingin at pagpapalinis ng ngipin.
  • Pumili ng malulusog na pagkain na mabuti para sa iyong mga ngipin at gilagid, tulad ng mga whole grain, gulay, at prutas.
  • Iwasan ang mga pagkain at inumin na maraming asukal at subukang huwag magmeryenda bago matulog.
  • Iwasan ang paggamit ng mga produktong tabako at makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) kung kailangan mo ng tulong sa pagtigil.

Tanungin ang iyong dentista kung gaano kadalas ka dapat magkaroon ng pagpapatingin ng ngipin batay sa iyong sariling mga salik ng panganib.

Maghanap ng Dentista sa Pamamagitan ng Medi-Cal Dental (tinatawag ding Denti-Cal)

Upang makahanap ng dentista, bisitahin ang dental.dhcs.ca.gov o tumawag sa 1(800) 322-6384 (toll free), o 1(800) 735-2922 (TTY).

Ano ang sinasaklaw ng Medi-Cal Dental para sa mga nasa hustong gulang:

  • Mga pagsusuri ng ngipin (tuwing 12 buwan)
  • Mga X-ray
  • Paglilinis ng mga ngipin (tuwing 12 buwan)
  • Scaling at root planing
  • Fluoride varnish (tuwing 12 buwan)
  • Mga pasta ng ngipin
  • Mga crown
  • Mga root canal
  • Mga partial at buong pustiso
  • Mga pag-reline ng pustiso
  • Pagbunot ng ngipin
  • Mga serbisyong pang-emergency
  • Pagpapakalma (kung kinakailangan dala ng medikal na dahilan)

Bisitahin ang dental.dhcs.ca.gov kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa iyong mga benepisyo sa ngipin, tulad ng kung paano baguhin ang iyong dentista.

*Ang isang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.