Minsan ba nakakaramdam ka ng pananakit ng tiyan? Para bang pakiramdam mo bloated ka, puno ng hangin ang tiyan mo, o may problema ka sa pagdudumi. Maaaring mga senyales ito ng problema sa iyong pagtunaw ng pagkain. Makakatulong ang isang gastroenterologist!

Ano ang isang Gastroenterologist?

Ang gastroenterologist ay isang doktor na gumagamot sa mga problema sa tiyan. Kabilang dito ang:

  • Esophagus: Ang tubo na nagdadala ng pagkain mula sa iyong bibig patungo sa iyong tiyan.
  • Tiyan: Kung saan tinutunaw ang pagkain.
  • Maliit na Bituka: Kung saan ina-absorb ang mga sustansya mula sa pagkain.
  • Malaking Bituka (Colon): Kung saan hinihiwalay ang tubig, at nabubuo ang dumi.
  • Atay, Pancreas, at Gallbladder: Ang mga organ na ito ang nagtutunaw at nag-iimbak ng mga sustansya.

Kung may problema, maaaring malaman ng isang gastroenterologist kung ano ang nangyayari at kung paano ito gagamutin.

Bakit Kailangang Magpatingin sa Gastroenterologist?

Maraming tao ang may problema sa tiyan. Ang gastroenterologist ang isa sa pinakakaraniwang doktor kung kanino nagpapatingin ang mga tao. Maaaring kailanganin mong magpatingin sa kanila kung mayroon ka ng sumusunod:

  • Pananakit ng tiyan na hindi nawawala
  • Labis na pagdudumi o hirap sa pagdudumi (problema sa pagdudumi)
  • Pakiramdam na bloated o puno ng hangin ang tiyan
  • Heartburn o acid reflux
  • Dugo sa iyong dumi

Maaaring awkward ang pakiramdam na pag-usapan ang tungkol sa mga problemang ito, ngunit mahalaga ang magpatulong. Maraming problema sa tiyan ang may parehong mga sintomas. Maaaring makatulong ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) na malaman kung ano ang problema at i-refer ka sa isang gastroenterologist kung kailangan mo ito.

Screening para sa Kanser sa Colon

Hindi lang gumagamot ang mga gastroenterologist ng mga problema sa tiyan pero tumutulong din sila na maiwasan ang mga malubhang isyu tulad ng kanser sa colon. Kung nagmumungkahi ang iyong PCP ng screening para sa kanser sa colon, maaaring mag-alok sa iyo ng isang madaling pagsusuri na tumitingin sa nakatagong dugo sa iyong dumi, na maaaring maging isang maagang senyales ng isang problema. Kung natuklasan ng pagsusuri ang isang bagay na hindi normal, maaaring magmungkahi ang iyong PCP ng colonoscopy. Ginagawa ito ng isang gastroenterologist. Susuriin nila nang mas malapit ang iyong colon at titiyakin nilang malusog ka.

Mag-click dito para matuto pa tungkol sa screening para sa kanser sa colon.

Paano Magpa-appointment

Tanungin ang iyong PCP kung kailangan mong magpatingin sa isang gastroenterologist. Pupunan ng iyong PCP ang isang referral (isang nakasulat na order upang magpatingin sa isang espesyalista). Mangyaring sundin ang timeline na ibinigay ng iyong PCP kung kailan gagawin ang iyong unang appointment. Narito kung ano ang maaaring mangyari sa iyong pagpapatingin sa isang espesyalista tulad ng gastroenterologist:

  1. Pag-uusapan ang tungkol sa iyong mga sintomas: Tatanungin ka ng espesyalista tungkol sa iyong diet, panlipunang history at history ng pamilya.
  2. Mga Pagsusuri: Maaaring kailanganin mo ng mga pagsusuri, tulad ng pagbibigay ng sample ng dumi o mga pagsusuri sa dugo.
  3. Paggamot: Maaaring magmungkahi ang doktor ng mga pagbabago sa diet, gamot, o iba pang paggamot.

Paano Nakakaapekto ang Pagkain Mo sa Iyong Bituka

Maaaring magdulot ng malaking pagbabago ang iyong kinakain sa iyong pagtunaw ng pagkain. Alam ng mga gastroenterologist na may iba’t ibang pagkain at diet ang iba’t ibang kultura. Matutulungan ka nilang makahanap ng paraan upang kumain ng malusog at nang may paggalang sa iyong mga tradisyon.

Ang SFHP Ang Bahala Sa Iyo

Kung mayroon kang SFHP Medi-Cal, nasasaklaw ka para sa mga pagpapatingin sa mga gastroenterologist at mga pagsusuri kapag medikal na kinakailangan. Nangangahulugan ito na maaari mong makuha ang pangangalaga na kailangan mo nang hindi nag-aalala tungkol sa gastos. Tandaan, kailangan mo ng referral mula sa iyong PCP para magpatingin sa isang espesyalista.

Huwag Maghintay, Magpatulong!

Kung nababagabag ka sa iyong tiyan, kausapin ang iyong PCP. Maaaring makatulong sa iyo ang iyong PCP na pamahalaan ang iyong mga problema sa bituka. Maaari ka rin nilang i-refer sa isang gastroenterologist kung kinakailangan. Sa Medi-Cal, madali lang ang makakuha ng pangangalaga. Papasalamatan ka ng iyong bituka!

*Ang isang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay doktor, katulong ng doktor, o practitioner na nars na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.