Kung bago kang miyembro, bisitahin ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP)* sa loob ng unang 120 araw para sa Paunang Pagtatasa ng Kalusugan (Initial Health Assessment o IHA). Matutulungan ng IHA ang iyong PCP na malaman ang iyong nakaraan na at mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.

Maaaring tanungin ka ng iyong PCP ng ilang bagay tungkol sa iyong kalusugan sa nakaraan o maaari niyang hilingin sa iyo na sagutan ang isang survey sa kalusugan. Sasabihan ka rin niya tungkol sa mga klase sa kalusugan na maaaring makatulong sa iyo. Kapag tumawag ka sa tanggapan ng iyong PCP, mangyaring sabihin sa kanila na miyembro ka ng SFHP.

Dalhin ang iyong ID card sa SFHP kapag bumisita ka. Mabuting plano rin na magdala ng listahan ng mga gamot at tanong mo sa iyong pagbisita.

*Ang Pangunahing Provider ng Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.