
Ano ang dapat malaman para manatiling malusog
Nagsisimula ang kanser sa prostate kapag lumalaki ang masasamang selula sa prostate gland (bahagi ng reproductive system ng lalaki.) Gumagawa ang prostate gland ng likidong nagtataglay ng semilya.
Ano ang Nagpapataas ng Iyong Panganib
Maaaring tumaas ang iyong mga pagkakataong makakuha ng kanser sa prostate dahil sa:
- Edad. Ang pagtanda ang pangunahing dahilan ng panganib para sa kanser sa prostate. Nangyayari ang karamihang kaso pagkatapos ng edad na 65.
- Kasaysayan ng Pamilya. Mas mataas ang iyong panganib kung may miyembro ng iyong pamilya na mayroon nito.
- Lahi. Mas karaniwan ang kanser sa prostate sa mga Aprikanong Amerikano.
Pagpababa ng Iyong Panganib
Walang tiyak na paraan upang ihinto ang kanser sa prostate. Maraming dahilan ng panganib tulad ng edad, lahi, at kasaysayan ng pamilya ang hindi makokontrol. Ngunit may mga bagay na maaari mong gawin upang mapababa ang iyong panganib:
- Manatili sa isang malusog na timbang
- Manatiling aktibo sa pamamagitan ng pag-ehersisyo
- Kumain ng mga masustansyang pagkain
- Itigil ang paninigarilyo at pag-vape
Bisitahin ang aming page ng Kalusugan at Wellness para makakuha ng mga tip kung paano manatiling aktibo, kumain ng masustansya, at tumigil sa paninigarilyo.
Mga Sintomas
Maaaring hindi magdulot ng mga sintomas sa simula ang kanser sa prostate. Makipag-usap kaagad sa iyong doktor kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas na ito:
- Hindi na makaihi
- Mabagal na daloy ng ihi
- Madalas na pag ihi, at higit pa sa gabi
- Pananakit o panghahapdi habang umiihi
Maaaring kasama sa hindi karaniwang mga sintomas ang:
- Hindi kayang magkaroon ng erection
- Dugo sa iyong ihi o semilya
- Pananakit sa ibabang bahagi ng iyong likod, tiyan, mga balakang, o pelvis na hindi nawawala
Mahalagang makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) tungkol sa screening para sa kanser sa prostate.
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Mga Benepisyo ng SFHP
Sinasaklaw ng San Francisco Health Plan ang mga karaniwang gastusin sa pangangalaga ng pasyente para sa pag-iwas, pagtuklas, o paggamot sa kanser. Alamin ang higit pa tungkol sa iyong mga benepisyo.
Programa sa Pamamahala ng Pangangalaga
Kung na-diagnose ka na may kanser sa prostate at nais ng suporta, maaari kang makakuha ng tulong mula sa Programa sa Pamamahala ng Pangangalaga ng SFHP. Matutulungan ka ng aming pangkat ng pangangalaga:
- Matutunan kung paano pamahalaan ang iyong mga kondisyon sa kalusugan.
- Kumuha ng mga referral para sa mga ahensiyang pangkomunidad, tulad ng para sa pagkain at kalusugang pangkaisipan.
- Makipagtulungan sa aming mga nars upang maging handa sa iyong susunod na appointment.
- Makipagtulungan sa iyong pangkat ng pangangalaga upang mas maunawaan ang iyong mga gamot.
Kung interesado ka, mangyaring tawagan ang aming linya ng paggamit sa 1(415) 615-4515. Ang serbisyong ito ay libre para sa mga miyembro ng SFHP.
Maaari kang makakuha ng tulong sa transportasyon para sa iyong mga appointment na medikal. Bisitahin ang aming page ng Mga Benepisyo para malaman ang higit pa.