
Ang pinakakaraniwang sintomas ng atake sa puso ay pananakit at kawalan ng ginhawa sa gitna ng dibdib. Maaaring banayad o matindi ang pananakit o kawalan ng ginhawa. Maaari itong tumagal nang ilang minuto o maaari itong mawala at bumalik.
Mas malamang ang kababaihan kaysa sa kalalakihan na magkaroon ng mga hindi tradisyonal na sintomas ng atake sa puso tulad ng mga nasa ibaba:
- Pananakit sa likod, leeg, panga, o lalamunan
- Impatso o Indigestion
- Pangangasim ng Sikmura o Heartburn
- Pagduruwal
- Pagsusuka
- Matinding pagkapagod
- Mga problema sa paghinga
Ang panganib ng atake sa puso ay tumataas para sa kababaihan pagkatapos ng edad na 55 taong gulang at para sa kalalakihan pagkatapos ng edad na 45 taong gulang.
Kung sa palagay mo ay maaaring inaatake ka sa puso, tumawag agad-agad sa 911.
Huwag magmaneho papunta sa ospital bago tumawag sa 911. Maaaring kailangan mo ng medikal na tulong papunta sa ospital.
Mahalaga ang pagpunta sa ospital nang mabilis. Pinakamainam na gumagana ang ilang paggamot sa loob ng unang oras matapos magsimula ang atake sa puso.
Huwag hayaan ang sinuman na sabihin sa iyo na labis ang reaksyon mo o maghintay at malaman.
Source: US Department of Health & Human Services Office on Women’s Health